CHAPTER 12: It's a mistake

56 2 0
                                    

Warning!!!
(Typographic And Grammatical Errors Ahead)

–Enjoy!

Lucian's POV

Wala akong ediya kung anong nangyari kanina sa bahay ni Jin pero pagdating ko ay sinisigawan niya si Christian habang iyak naman ng iyak si Nigel. Hindi naman mapakali si Nanay sa pagpapatigil kay Jin. Maging si Miguel ay halatang nauubusan na ng pasensiya sa lalaking 'to.

***

Totoong galit na galit ako hanggang ngayon dahil sa ginawa ng gagong Jin Andrix na 'yon. Hindi ko lubos maisip na ganoon kakitid ang utak niya.

Hikaos at hirap kami sa buhay at hindi ko ikinaila 'yon kahit minsan. Kilalang kilala ko ang kapatid ko, madalas ay malikot at magulo si Christian pero sigurado akong hinding hindi niya kayang gawin ang ibinibintang sa kaniya ng gagong lalaking 'yon! Isama pa niya ang intrimitidang Carren na 'yon!

Magsama silang dalawa! Hindi ako gumawa ng eksena kahit pansin kong madalas ang pagpaparinig sa 'kin ng Carren na 'yon. Laging wala sa lugar ang mga sinasabi niya at talagang pinag-iinitan niya ako ng hindi ko malaman ang mga dahilan niya. Ramdam ko. Pero ibang usapan na ang pamilya ko.

~Flashback~

Kapapasok ko lang sa gate ng bahay ni Jin nang makarinig ako ng sigawan sa loob. Sumisigaw siya.

Agad kong isinara ang gate at tumakbo papasok sa loob ng bahay. Pagdating ko sa living area ay tumambad agad sa 'kin ang pamilya ko na sinisigawan ni Jin at sinasabihan ng masasakit na salita.

"Give me back that stupid thing!" Malakas na sigaw ni Jin habang pilit na hinihila ang damit na kapatid kong si Christian. "I let you and your family to live in my house pero nagawa mo pa rin akong nakawan!" Akmang sasaktan ni Jin ang kapatid ko ng humarang si Miguel para saluhin ang kamay nito.

Gulat at hindi pa nag-pproseso ang mga nangyayari sa utak ko pero agad akong nakaramdam ng galit kaya dumiretso ako ng lakad papunta kay Jin at binigyan ito ng malakas na sapak sa mukha. Gulat pa itong napatingin sa 'kin habang hawak ang pisngi niya. May konting dugo ang labi niya ngayon pero hindi ko na pinansin.

"What was that for?!" Gulat na tanong niya sa 'kin. Tumabi naman sa kaniya agad si Carren. Mabuti na baka hindi rin ako makapag pigil sa babaeng 'yan.

"Hindi ko alam ang buong kwento pero kung pagnanakaw ang ibinibintang mo sa kapatid ko. Ako na ang nagsasabi saiyong hindi kayang gawin 'yon ng kapatid ko!" Diretso at pasigaw kong tugon.

"I saw him, Lucian! Pumasok ang kapatid mo sa kwarto ni Jin at kinuha niya 'yong relo." Sabat ni Carren. Umigting ang panga ni Jin matapos marinig 'yon.

"Nakita mo na! Magnanakaw ang kap---" Hindi ko hinayaang matapos niya ang sasabihin niya dahil alam kong hindi totoo 'yon.

Nasampal ko siya sa pagkakataong ito dahil sa pagbibintang niya sa kapatid ko. Ang sunod na namalayan ko nalang ay nag-init ng sobra ang gilit na mata ko at parang gustong lumabas ng mga luha ko dito.

"Hirap kami sa buhay." I start as tears fell out of my eyes. Bahagya ring gumaralgal ang boses ko. "Pero kahit minsan hindi pumasok sa isip naming magnakaw. Siguro nga mga patay gutom kami, walang sariling bahay, mga pabigat saiyo ngayon." I said in tears as I cried. Naramdaman ko rin ang paghawak ni Nanay sa balikat ko. "Pero higit sating dalawa mas kilala ko ang pamilya ko at alam kong hindi sila gagawa ng ganoon kasamang bagay." Huli kong sinabi bago tumalikod at isama ang pamilya ko. Pilit akong ngumiti nang makitang gulat na nakatingin sa 'min si Martin at Inang Nora.

Pagpasok namin sa kwarto ay agad kong kinuha ang mga bag at supot na lalagyan ng mga damit namin nang dumating kami dito.

"I-empake niyo lahat ng gamit niyo. Aalis na tayo dito." Utos ko sa kanila habang tinutupi ang mga damit ko.

Vega and AltairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon