CHAPTER 23: Stronger

53 1 0
                                    

Warning!!!
(Typographic And Grammatical Errors Ahead)

–Enjoy!

Lucian's POV

Minsan sa sobrang galit na nararamdaman natin sa isang tao hindi na natin naiisip ang mga magagandang ala ala na meron tayo kasama sila. Saka nalang natin maiisip kung kailan huli na. Dahil hindi natin sinubukang patawarin ang taong 'yon noong may panahon pa.

Gaya ng nangyari sa 'kin, sa mga kapatid ko at maging kay Nanay na rin. Ilang beses humingi ng tawad sa 'min noon si Tatay pero wala kaming ibang ginawa kundi itaboy siya dahil sa pag-aakalang wala siyang pakialam sa 'min.

Ngayon kung kailan wala na siya at wala ng paraan para makabawi siya saka lang namin naisip ang mga masasayang ala ala kasama siya. Kung naging bukas siguro kami nakasama pa namin siya ng mas matagal.

Aaminin kong hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap ang pagkawala ng kapatid ko lalo na ngayong sinundan pa ni Tatay. Minsan tuloy naiisip ko na baka minsan sa buhay ko naging makasarili ako kaya pinarurusahan ako ng ganito.

"Anak, tahan na. Ang puso." Sambit ni Nanay.

Tumingin lang ako sa kaniya at yumakap. Napakabigat ng nararamdaman ko. Parang sunod sunod kasing nawawala at kinukuha ang mga taong mahalaga at minsang naging mahalaga sa 'kin.

Sana huli na ito. Hindi ko na kakayanin kung may mawala ulit.

"Salamat sa pagpunta niyo, kuya." Si Dave.

Tumingin ako sa kaniya. "Hindi naman pwedeng hindi." Sagot ko dito. "Isa pa, siguradong malulungkot si Tatay kung hindi kami pupunta sa huling araw na pwede namin siyang makita."

"Ngayon alam ko na kung bakit sobra kung ipagmalaki kayo sa 'min ni Papa." Sambit niya. Ngumiti na lang ako sa 'king narinig. "Ang bait niyo pala kasi talaga." Pahayag niya. "Dati naiinis kami tuwing maririnig namin kay Papa ang mga 'yon. Pero ngayon naiintindihan ko na talaga." Huli niyang sinabi bago bumaling sa puntod ni Tatay.

Katatapos lang ng libing at mga malalapit na kaanak nalang ang naririto. Kasama na kami nila Nanay at ang isa pang pamilya ni Tatay.

Maya maya lumapit sa 'min si Evvy at ang iba pa naming kapatid. Lumapit siya kay Nanay at yumakap nalang bigla dahilan para ikagulat ni Nanay.

"A-alam kong huli na, Annalyn, pero sana mapatawad mo pa rin ako sa nagawa kong paninira sa pamilya mo." Umiiyak na sambit ni Evvy habang nakayakap kay Nanay.

Humiwalay si Nanay sa yakap ni Evvy at hinarap ito sa kaniya. "May galit sa loob ko mula noon hanggang ngayon, Evvy." Panimula ni Nanay dahilan para matigilan si Evvy. "Pero sa paglipas ng panahon unti-unti kong naiisip na hindi lang naman kayo ang nagkamali ni Dari." Pagpapatuloy ni Nanay na ngayon ay alam kong nagpipigil nalang din na hindi umiyak. "Siguro ang pagkakamaling nagawa ko ay hindi ko naibigay sa kaniya lahat ng pangangailangan niya. Nagakataon lang na saiyo niya nakuha ang mga iyon." Natatawang sambit ni Nanay bago hawakan ang dalawang kamay ni Evvy. "Pero ngayon wala na rin namang saysay kung patuloy pa rin nating pag-aawayan ang mga pangyayari sa nakaraan." Ngumiti si Nanay. "Pinatatawad na rin kita gaya ni Dari, Evvy."

"Maraming salamat sa pagpapatawad mo, Annalyn." Umiiyak nanamang sambit ni Evvy at yumakap ulit kay Nanay.

Hinanap ko sina Christian at Nigel sa 'king paningin at natagpuan ko ang mga ito sa tabi ng iba ko pang kapatid.

Nakaramdam ako ng kagaanan sa loob ko nang makitang may naidulot ding maganda ang pagkawala ni Tatay. At least ngayon nasisiguro kong payapa na talaga si Tatay kung nasaan man siya naroroon dahil nakikita niyang nagiging maayos ang mga pamilyang naiwan niya.

Vega and AltairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon