CHAPTER 25: Following his dreams

48 1 0
                                    

Warning!!!
(Typographic And Grammatical Errors Ahead)

-Enjoy!

Jin's POV

Marami na ang nagbago pagkatapos umalis ni Lucian papuntang U.S. Dati laging maingay dito sa bahay tuwing umaga at gabi. Ngayon halos wala nang taong makikita tutal kaming dalawa nalang naman ni Martin ang nakatira.

Ilang buwan kasi pag-alis ni Lucian lumipat na rin ng bahay sila Tita Annalyn. May biniling bahay si Lucian malapit doon sa bahay ng kaibigan niyang si Liezl. Doon na tumira ang pamilya niya.

Lagi naman akong bumibisita sa kanila para kumustahin ang lagay nila kaya marami akong balita. Tsaka binilin sila sa 'kin ni Lucian. First year college na ang kapatid niyang si Christian at high school naman 'yong bunso. Doon pa rin sa dating karinderya nag-ttrabaho si Tita.

Si Inang Nora pumanaw na noong isang taon. Sobrang nalungkot ang lahat sa pagkawala niya pero wala rin naman kaming napamilian kung hindi tanggapin nalang.

Napag-usapan ng pamilya niya na doon na sa lugar nila ilibing si Inang Nora kasama ang asawa niya. Pumayag naman ako dahil sigurado akong 'yon din ang gusto ni Inang Nora.

Simula rin noon napansin kong naging mas tahimik na si Martin. Wala na kasi ang nag-aalaga lagi sa kaniya. Noong nabubuhay pa si Inang Nora mas madalas silang magkasama. Sila ang laging lumalabas.

Ang nasa plano naman ni Lucian uuwi na ngayong taon. Dalawang taon ang contract niya at hindi naman na siya nag-renew. Sa ngayon naghihitay nalang din ako ng balita sa kaniya.

Ilang araw na rin akong nag-aalala kasi wala akong makuhang tawag galing sa kaniya. Dati naman halos araw araw nagtatawagan kami. Minsan ako ang bumibisita sa U.S kapag gusto ko na talaga siyang makita.

Ang sabi naman noong kaibigan niya kapag tinatawagan ko marami raw talagang ginagawa si Lucian kaya minsan hindi ko nalang din siya inaabala. Napaka-sungit naman kasi noon sa 'kin.

Minsan nga nagseselos na ako kay Martin dahil kapag siya ang tumatawag kay Lucian sinasagot kaagad kahit gabi na doon. Samantalang ako kinukulit ko pa.

"Daddy." Tawag sa 'kin ni Martin. Napalingon agad ako sa kaniya habang nag-kkape malapit sa pool.

Umaga palang ngayon at papunta kami kila Tita Annalyn para sunduin sila. Balak kasi naming sa Palawan na i-celebrate ang birthday ni Martin. Bukas na 'yon.

Mamayang hapon pa naman ang naka-booked naming flight pero susunduin na namin sila para sabay sabay nalang kaming aalis dito sa bahay.

"Tara na?" Tanong ko sa kaniya.

"Daddy, makakauwi po ba si Teacher Lucian sa birthday ko?" Tanong niya.

Natahimik naman ako kasi alam kong hindi makakauwi si Lucian para sa birthday niya. Ang totoo niyan mula noong umalis siya hindi naman talaga siya umuuwi para sa mga birthday namin. Naiintindihan naman namin pero nakakalungkot pa rin. Lalo na 'yong mga kapatid niya at si Martin lagi siyang hinahanap.

"Ayos lang po, Daddy." Usal nalang ni Martin noong mapansin na natahimik ako. "Uuwi naman po siya ngayon taon eh." Ngumiti pa siya bago nauna sa sasakyan.

Napailing nalang ako at naisip na marami na talagang utang sa 'min si Lucian. Kailangan niyang bumawi sa susunod. Lalo na sa mga batang laging naghahanap sa kaniya.

***

"Sayang lang na hindi na natin kasama ngayon si Nora." Pahayag ni Tita Annalyn habang nag-iimpake sila. "Noong nakaraang birthday ni Martin kasama pa natin siya. Ang bilis talaga ng panahon." Umiiling na sabi ni Tita.

Vega and AltairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon