CHAPTER 8: Welcome back Liezl

55 2 0
                                    

Warning!!!
(Typographic And Grammatical Errors Ahead)

Enjoy!

Lucian's POV

Two weeks had passed. Nakabalik na rin sa pagtuturo si Liezl. Actually ngayon lang siya babalik at kasama ko siya ngayong naghihitay ng jeep na daraan.

Pwede kaming sumakay ng tricycle papasok ng school pero mas practical kung mag-jjeep nalang kami.

"Na-miss din kitang kasabay pumasok ah!" Pagkuway ay binasag ko ang katahimikan. "Nitong nakaraang buwan at linggo kasi lagi akong mag-isa dito. Maliban nalang kung nandiyan 'yong mga kapatid ko para ihatid ako." Ngumiti naman siya sa 'kin pagkatapos kong sabihin 'yon.

"Pasensiya na kung natagalan. Alam mo naman na wala ring ibang magbabantay kay Papa since nasa ibang bansa na ang mga kapatid ko." Sagot nito sa 'kin.

Naiintindihan ko naman siya dahil wala naman talagang ibang maaasahan ang Mama't Papa niya. Nasa ibang bansa na kasi ang dalawa niyang kapatid. Yung isa nag-ttrabaho at 'yong isa naman doon na nagkapamilya.

"Yeah right..." Ngumiti nalang ako sa kaniya. "Ang mahalaga magkasabay na ulit tayong pumasok." Dagdag ko pa. Natawa naman siya bigla.

"Hindi na nga 'rin yata ako sanay na hindi ka kasabay pumasok! Mula bata sabay na tayong pumapasok kahit hanggang high school at college. Pati ngayong nag-ttrabaho na tayo." Sabay kaming natawa dahil sa katotohanang 'yon. Mukhang hindi na talaga kami sanay na wala ang isa't isa.

Naging sandalan na namin ang isa't isa mula pagkabata. Madalas sabay kaming umiiyak tuwing may problema ang isa. Higit pa sa pagkakaibigan ang meron kami. Kapatid na ang turing namin sa isa't isa.

Pagkuway ay may dumaan na ring jeep kaya sumakay na kaming dalawa. Kung hindi kami ma-ttraffic ay siguro trenta minutos kaming maaga sa pagpasok.

***

"AYYY SHUT*K!!!" Sabay kaming napahiyaw ni Liezl nang biglang tumalon papunta sa harapan namin si Esteban nang makapasok kami sa faculty.

Nahihiya naman kaming ngumiti ni Liezl sa mga co-teachers namin dahil nakatingin silang lahat sa 'min. Inirapan naman kami ni Grace saka bumalik sa ginagawa niya.

"Welcome back, Liezl!!!" Sigaw pa ni Esteban. Umismid naman si Liezl sa kaniya. "Na-miss kita ng sobra! Ang tagal mo kasing bumalik!" Reklamo niya. Tumuloy naman si Liezl papunta sa table niya kaya sumunod nalang ako.

"Ang aga-aga Esteban ah!" Suway sa kaniya ni Liezl nang maka-upo na kami. "Pero salamat sa pa-welcome back mo." Itinaas niya ang gift box na ibinigay kanina ni Esteban.

Ayon kay Liezl ay matagal na raw na nanliligaw sa kaniya itong lalake. Public school teacher palang ako ay nagliligawan na silang dalawa.

"Walang 'yon para sa pinaka-mamahal kong binibini." Umiling naman ang ibang nakakita sa kanila dahil lumuhod sa harap ni Liezl si Esteban.

"Umayos ka nga! Para kang timang." Natatawa lang ako sa kanilang dalawa dahil bumabalik nanaman ang dating ingay dito sa faculty dahil sa kanila. "Sige na. May tatapusin pa ako." Sabi pa niya. Tumayo naman si Esteban saka nagpaalam.

"Basta sasabay akong mag-lunch mamaya sainyo ah!" Paninigurado pa nito bago umalis. Kumindat pa siya kay Liezl bago umalis.

"Bakit kasi hindi mo pa sagutin 'yong tao? Ang tagal na ring nanliligaw saiyo." Inubo naman siya sa sinabi ko.

"Saka na kapag natupad ko na ang mga pangarap ko." Sagot niya. Dreamer kasi talaga itong si Liezl. Dati pa man hindi siya umuusad hanggat hindi niya nagagawa ang gusto niyang gawin.

Vega and AltairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon