CHAPTER 14: I'm Sorry

53 1 0
                                    

Warning!!!
(Typographic And Grammatical Errors Ahead)

–Enjoy!

Lucian's POV

"Sigurado po kayo kaya niyo na 'yan, Nay?" I asked.

"Kaya ko na, Anak." Si Nanay. "Pasok na! Baka ma-late ka pa." Humalik pa muna siya sa 'kin.

"Sigurado po kayo ah?" Tumango lamang siya kaya lumabas na ako ng karinderya.

Halos dalawang linggo na rin kaming nanunuluyan dito sa karinderya. Hanggang ngayon kasi wala pa rin kaming nahahanap na upahang bahay na sakto lang sa 'min. Halos lahat ng napag-tanungan ko hindi sapat sa budget namin monthly.

Mababa lang din naman kasi ang sweldo naming mga teachers. Isa pa, nawalan rin ako ng sideline noong huminto ako sa pag-ttutor kay Martin. 'Yong kita pa ngayon ng karinderya medyo matumal. Sakto lang sa pangkain namin araw araw. Mabuti nalang talaga nag-wworking student ngayon si Miguel.

Minsan hindi ko maiwasang maawa sa lagay namin. Lalo na sa mga kapatid ko. Hindi sila makapag-aral ng maayos dahil wala silang maayos na tirahan.

Madalas kailangan pa nilang tumutok sa mismong ilaw ng karinderya para lang matapos ang mga assignments nila. Kung hindi lang sana kami napaalis sa bahay.

"Teacher Lucian! Sa school ba?" Palahaw ni Taky mula sa kabilang parke ng kalsada.

"May discount ah!" Paninigurado ko bago sumakay sa tricycle niya.

Napaigtad naman ito habang nakatingin sa 'kin. "Ginawa mo nanamang tyanggian ang tricycle ko, Sir!" Reklamo pa niya bago sumakay.

"Syempre! Ang mahal kaya ng pamasahe." 'Yon nalang ang sinabi ko bago lumulan sa tricycle.

Ilang minuto lang ang inabot ng biyahe papuntang school dahil tricycle ang sinakyan ko. Paghinto ay agad na akong nagbayad kay Taky kahit panay ang reklamo niyang kulang. Hindi ko naman na 'yon pinansin dahil sa mag-ddalawang linggo kong pagsakay sa kaniya ay laging ganoon ang ginagawa ko.

"Ingat, Sir!" Pahabol pa niya kahit naka-pasok na ako sa gate.

"Ingat din! Salamat!" Pagsagot ko habang kumakaway sa kaniya.

Matapos 'yon ay tumuloy na ako papunta ng faculty para ihanda ang mga dadalhin ko sa first section. Pero hindi pa man ako nakapapasok ng faculty ay napaigtad na ako sa gulat dahil bigla na lamang sumulpot si Liezl sa pintuan.

"Baliw ka talaga! Muntik na akong atakihin sa puso!" Anghil ko sa kaniya dahil sa gulat. Pero sa halip na mag-sorry ay tinawanan niya lang ako hanggang sa mag-sawa siya. "Ang saya mo ngayon ah!" Asik ko sa kaniya at akmang papasok na pero pumigil siya.

"Sorry naman, Sis!" Kumapit pa siya sa braso ko habang tumatawa. "Tsaka may valid reason naman ako para maging masaya ngayon!" Umirap nalang at saka naglakad pero pumigil nanaman siya. "Wait lang naman! Samahan mo muna ako." Pigil niya sa 'kin.

"Ano ba 'yan!" Reklamo ko at pilit na inabot kay Esteban ang mga libro at folders na dala ko. "Palagay lang sa table ko. Thanks." Sabi ko nalang noong maibigay kay Esteban ang mga 'yon. "Saan kasi? Tsaka pwede dahan dahan lang sa paghila! Excited lang? " Hindi man lang niya ako pinansin at lalo pang binilisan ang lakad!

"Basta sunod ka nalang." 'Yon lang ang sagot niya kaya sumunod nalang ako. Kilala ko itong babaeng 'to. Hindi siya titigil hanggat hindi nasusunod ang gusto niya.

Habang naglalakad kami sa pathway papunta ng playground at garden ay napansin kong pakapal ng pakapal ang mga naka-kalat na red rose petals sa daan. Napa-isip tuloy ako kung may event ba ngayon sa school na nakalimutan ko. Wala naman yata?

Vega and AltairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon