Chapter 24

203 6 1
                                    

Chapter 24

- Kayla Walker -

Lumipas ang tatlong araw na wala ako sa sarili. Oo nga nakakausap naman ako pero madalas ay tulala lang ako.

Iniisip ko pa rin kasi iyung mga sinabi ni kuya Renz sa akin. Kung may alam ba ako o may nasasabi sa akin si Anne kaya naglasing si Lim. Tsk, sino pa ba iyung tinutukoy ni Lim non, syempre ako.

Ako ang dahilan kung bakit may isang taong nagsa-suffer. Hay buhay.

"Bes, ano ba 'yang iniisip mo saka himala ata't hindi ka nagsasalita na lang basta-basta diyan." Pabirong tanong sa akin ni Marie.

Inabot sa akin ni Marie iyung isang juice at burger pero tinago ko lang sa pink kong bag iyung burger kase wala akong ganang kumain.

"Bakit mo naman tinago sa bag mo 'yung binili ko sa 'yo? Ayaw mo ba niyan, gusto mo bang ibili na lang kitang iba?"

Tumango na lang ako kahit wala naman akong gusto. Wala lang talaga akong ganang kumain.

"Mas maigi talagang biglaan ka na lang nag sasalita para kahit pa-paano, nalalaman ko kung ano 'yang nasa isip mo."

May lungkot na pagkakasabi niya kaya nakonsensya tuloy ako. Sorry talaga, Marie.

Umalis na si Marie para bumili ng ibang pagkain. Haysst, mabuti na lang kasi gusto ko ng katahimikan at mabawasan itong guilt na nararamdaman ko. Yumuko na lang ako para sana matulog pero naudlot iyon kasi may nagsalita. Boses nong babaeng nagtapat ng pagmamahal sa akin. Iyung babaeng nagbigay sa akin ng lobo.

"Iniwan ka na naman niya."

"Ano bang kailangan mo, Anne?"

Nakayuko lang ako at ayokong makita ang mukha niya o kahit manlang marinig ang boses niya. Alam ko namang malabong mangyari iyan dahil magkasama kasi sa isang klase at magkatabi pa pero hindi naman masamang umasa, diba?

"Wala lang naman, mukha kasing kailangan mo ng kausap. Tatlong araw kana kasing wala sa sarili mo."

Napatingin ako kay Anne, talaga bang halata na wala ako sarili nitong tatlong araw?

"Anong ginagawa mo dito, ANNE!?"

Patay, galit si Marie. May diin ang pagkakabigkas niya sa pangalan ni Anne.

"Wala lang, masama ba?" Casual na sagot niya.

Nanlilisik iyung mata ni Marie tapos itong si Anne, prenteng nakaupo lang at hindi nagpapasindak kay Marie.

Napahawak na lang ako sa bracelet ko dahil sa kaba, dati naman gusto kong may nag-aaway sa harap ko pero ngayon, hindi na.

"Pwede ba kung mag-aaway lang kayo diyan, aalis na lang ako. Gusto ko nang umuwi."

"Teka! Masama ba pakiramdam mo? Gusto mo bang samahan na lang kita sa clinic para makapag pahinga ka muna don."

Maglalakad na sana ako palayo sa kanila pero hinawakan ako ni Marie sa kaliwang braso tapos si Anne naman sa kanang braso ko. Ano ba iyan.

"Ano bang kailangan mo, bitawan mo si Kayla," gigil na utos ni Marie kay Anne

"Hindi, ano bang pakealam mo? Nag-uusap lang naman kami, ah," segunda naman ni Anne

Ano ba iyan, nag aaway sila. Nahigpit na rin iyung pagkakahawak nila sa braso ko. Aray!

"Ako na lang sasama sa kaniya. Iuuwi ko na lang siya sa kanila para makapagpahinga siya ng maayos."

Hinila ako ni Marie palapit sa kaniya pero hindi pa rin binibitawan ni Anne ang braso ko. Lalo pa ngang nahigpit ang pagkakahawak niya.

"Mas okay kung sa clinic na lang siya magpahinga at ako ang maghahatid sa kaniya. Ako!" Pagsingit ni Anne.

Like ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon