Chapter 33
- Kayla Walker -
Three years later
Mabilis lumipas ang mga araw at hindi ko na namalayan na tatlong taon na pala ang nakalipas mula nong pag-uusap namin ni Anne sa tabing dagat.
Simula rin noong araw na iyon, may mga nangyaring pag babago sa buhay ko.
I am a second year college now and BS Psychology ang kursong kinuha ko. Bakit ko kinuha ang course na ito? Wala lang, gusto ko lang.
"Lil sis! Dalian mo diyan at male-late na tayo!" Nagmula sa labas ng kwarto ko iyung sigaw ni kuya.
"Oo na! Naglalagay na lang ako ng lipstick tapos bababa na ako."
Humarap agad ako sa malaking salamin at naglagay ng lipstick na pula sa aking labi. Nakasuot ako ngayon ng pink dress tapos low heels. Oo, low kasi low blood ako. Hahaha
Habang naglalagay ng lipstick na pula, naalala ko na naman si Marie. Nakaka-proud na hindi na ako iyung katulad ng dati na umiiyak kapag naaalala siya. I'm a strong woman now.
"Kayla, bakit naiyak ka na naman diyan?"
Takte! Hindi pa pala ako okay. Napaluhod na lang ako sa sahig at umiyak na parang bata. Nakalipas na ang limang taon pero heto pa rin ako, umiiyak dahil sa pag-alis ni Marie.
"Ano ba naman 'yan, Kayla. Akala ko ba okay kana, bakit umiiyak ka pa rin?" Napasampal na lang siya sa noo dahil sa nakikita niya.
"Ano bang pakielam mo, Minerva? napuwing lang kaya ako."
Patuloy lang na nabuhos ang luha ko, nakakainis, iyung make up ko nasisira na.
Inalalayan ako ni Minerva papunta sa kama at tinulungan akong makaupo doon.
"Hay nakong bata ka! Hindi na namin alam ang gagawin sa 'yo. Hindi ba nauubos 'yang luha mo sa kakaiyak?"
Umiling lang ako bilang sagot. Umiinom naman ako ng maraming tubig kaya okay lang iyon.
Napabuntong hininga na lang siya at seryosong tiningnan ako, "Umamin ka nga sa akin. Ano ba talaga 'yang nasa puso mo?"
Nag-isip ako saglit at pinunasan ang natitirang luha sa pisngi ko. "Dugo, duh!" sarcastic kong sagot.
Ilang segundo lang ay napahawak na lang ako sa ulo ko, batukan ba naman ako nang pagkalakas-lakas ni Minerva. Tamo ito, magtatanong tapos kapag hindi nagustuhan ang sinagot, magagalit!
"Dalian mong mag-ayos d'yan. Sobrang late na talaga tayo sa pupuntahan natin."
Padabog siyang lumabas sa kwarto ko. Tsk! Makautos akala mo kung sinong boss.
Tumayo na ako at inayos ang dapat ayusin. Kailan kaba kasi talaga babalik, bes?
Ff.
Nandito na kami sa isang birthday party. Kanino nga pa lang birthday party ito?
Umupo na ako sa isang bakanting upuan malayo sa ibang bisita at nag cell phone. Hindi ko naman kilala ang mga tao rito at ayoko rin naman makipagchikahan sa strangers. Bahala sila diyan.
Biglang nag-blink ang cell phone ko. Tumatawag si Anne. Swinipe ko iyon papunta sa green na button at tinapat sa tenga ko.
"Kumusta kana, Kayla?"
"Okay lang naman. Nasa birthday party kami ngayon. Makakasunod kaba rito?"
"Ah, ganon ba. Sorry hindi ako makakasunod diyan kasi may ginagawa pa kasi ako. Enjoy ka lang diyan, babe... I love you."
BINABASA MO ANG
Like Them
أدب المراهقينFirst day of school. sa bawat school year na lumilipas, alam natin na may bago ring nangyayari sa isang estudyante. Ngunit para sa isang grade 12 student, isa lamang itong normal na araw. Sa hindi inaasahan na pagkakataon, may pumasok sa kanilang cl...