Chapter 15
- Kayla Walker -
Nagising ako nang maramdamang may natapik sa aking balikat.
"Bes, gising na. Pinagluto na kita ng hapunan natin kaya tumayo kana."
Inalalayan niya ako para makabangon sa pagkakahiga pero humiga ulit ako at niyakap nang mahigpit iyung unan sa aking tabi.
"Ayoko pa, gusto ko pa matulog."
Akala ko ay pipilitin niya ako bumangon pero nakarinig ako nang pagsarado ng pinto. Nakakarinig ako ng ingay galing wall clock pero bigla rin iyon nawala kaya tumahimik ang paligid.
Nang imulat ko ang aking mata, puro itim ang nakikita ko at napansin na nawawala iyung mga gamit sa kwarto. Nasa isang kwartong itim ako at iyung unan na yakap-yakap ko kanina ay bigla na lang nawala. Sinubukan kong tawagin si Marie pero walang nalabas na boses sa aking bibig. Sinubukan ko rin umalis sa kama pero kahit anong pilit ay hindi ako makaalis.
Kahit nakakaramdam ng matinding takot, sumubok ulit ako sumigaw hanggang sa wakas, may boses na lumabas sa aking bibig.
"Marie! Huwag mo nga akong takutin!"
Tumingin-tingin ako sa paligid at bigla na lang sumulpot sila Anne at Marie sa harap ko.
"Bes, Anne. Kung gusto niyo akong takutin," naiiyak kong sabi sa kanila, "Oo na, panalo na kayo kaya itigil niyo na ito!"
Imbis na sagutin ako, tinalikuran nila ako humakbang palayo sa akin.
"Please! Bumalik kayo!"
Tinawag ko sila pero patuloy lang sila sa paghakbang palayo sa akin. Mas tumindi ang takot na nararamdaman ko dahil sa mga nangyayari sa akin ngayon. Sigaw ako nang sigaw para pabalikin sila pero hindi nila ako pinapansin.
Nag-uumpisa nang lumulo ang aking luha, ayoko itong nararamdaman ko. Ayokong iniiwan ako, ayokong may mawala sa kanila.
"Please, huwag niyo akong iwan!"
Sa kalagitnaan nang pagsigaw ko ay may naramdaman akong malambot na bagay na dumampi sa aking labi at ang lahat ng nasa harap ko ay bigla na lang naglaho.
Mabilis akong napabangon at napahawak sa aking dibdib dahil sobrang bilis ng tibok nito. Sigurado ako na dahil ito sa nararamdaman kong takot.
"Bes, okay ka lang ba? Pagpasok ko kasi rito sa kwarto mo nakita kitang parang binaba..." Hindi na niya natapos iyung sinasabi niya kasi agad ko siyang niyakap at humagulgul sa bisig niya.
"Akala ko iniwan mo na ako. Please, mangako ka sa akin na hinding-hindi mo ako iiwan," sabi ko.
Patuloy lang ang aking paghikbi at naramdaman ko naman ang hinaplos-haplos niya ng aking ulo at hinalikan iyon, "Oo. Pangako, hindi kita iiwan kaya tahan na."
Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko sa pagkakasabi niya non. Pagkatapos ng tagpong iyon, napagdesisyonan na lang naming dito sa kwarto maghapunan.
"Oh, kain ka nito, gusto mo ba ng tubig? Teka, ikukuha kita sa baba."
Tatayo na sana si Marie pero agad ko siyang hinawakan sa kamay para pigilan. "Okay lang ako, dito ka na lang sa tabi ko."
Agad naman siyang umupo sa tabi ko at pinagpatuloy iyung pagkain namin.
Pagkatapos namin kumain ay pinatawag ko si manang Ester para kunin iyung mga pinagkainan namin. Mabuti na lang at hindi na niya tinanong pa kung ano iyung napanaginipan ko.
----------------------------------------------------------------------------------------
"Bes."
Nilingon niya ako at ibinaba iyung binabasa niyang libro, "Ano 'yon?"

BINABASA MO ANG
Like Them
RomantikaFirst day of school. sa bawat school year na lumilipas, alam natin na may bago ring nangyayari sa isang estudyante. Ngunit para sa isang grade 12 student, isa lamang itong normal na araw. Sa hindi inaasahan na pagkakataon, may pumasok sa kanilang cl...