Chapter 13

416 8 4
                                    

Chapter 13

- Kayla Walker -

Napag-alaman ko na pinag-day off pala ni kuya ang mga katulong namin kaya kaming dalawa ni Marie ang nasa mansion. Mapapailing ka na lang talaga kay kuya, alam ko na may plinaplano siya pero hindi ko lang talaga malaman kung ano iyon.

Pagkatapos namin kumain ni Marie, nagpresenta ako sa paghuhugas ng plato.

"Bes, ako na maghuhugas ng plato. Mauna kanang mag-shower."

"Sure kaba, bes?"

Tumango na lang ako at inumpisahan nang hugasan ang mga baso.

"Sige, doon na lang ako sa guestroom niyo magsho-shower."

Pagkaalis niya ay nabalot ng katahimikan ang buong kusina at tanging mga kalangsing ng plato at kutsara ang tangi ko naririnig.

Napapaisip tuloy ako sa sasabihin ni Marie. Dapat ko ba iyon ipag-alala o...

Napailing na lang ako sa mga naiisip ko, sigurado naman ako na hindi kalokohan iyon. Seryosong tao kaya siya.

Natigil iyung pag-iisip ko nang maramdamang nag-vibrate iyung cellphone ko sa bulsa. Nagpunas muna ako ng kamay at tiningnan kung sino iyung natawag.

"Kuya's calling," mahinang basa ko. "Ano naman kayang kailangan nito?"

Huminga muna akong malalim saka sinagot iyung tawag.

"Hello, anong kailangan mo?"

"Wala naman, lil sis. Kinakamusta lang naman kita diyan. Okay na ba iyung pakiramdam mo?"

Tsk, grabeng sweet naman nitong kuya ko. Sa sobrang sweet, nilalanggam na ako.

"Aray."

Takte, kinagat nga ako ng langgam.

"Oh! Lil sis, anong nangyari sa ‘yo diyan?"

"Wala, kuya. Patayin mo na nga 'tong tawag. Marami pa akong gagawin dito."

"Ito naman masyadong hot. By the way, kumusta na kayo diyan ni Marie? May sinabi na ba siya sa ‘yo?"  tanong sa akin ni kuya.

Tsk, minsan talaga nagtataka na ako rito kay kuya, may alam ba siya rito?

"Hindi pa namin napag-uusapan ‘yan kasi nagsho-shower pa siya. Paano mo pala nalaman na may sasabihin siya sa akin?" naguguluhan kong tanong kay kuya.

"Ha, Wala naman,"  natataranta niyang sagot sa akin, "pero sana lang, walang magbago sa inyo dalawa. Pag-isipan mo rin nang maigi 'yang mga isasagot mo sa kung ano man ‘yung sasabihin niya sa ‘yo. Sundin mo lang ‘yung sasabihin ng puso mo, Kayla."

Ano bang pinagsasasabi nito? Magtatanong pa sana ako pero biglang nagsalita si Marie sa likod ko.

"Bes, sino ‘yang kausap mo?"

Sa sobrang pagkabigla ko, muntik ko nang mabitawan ang aking cellphone.

"Sige na, bukas ka na lang ulit tumawag kasi nandito na si Marie. Bye, love you." Hindi ko na hinintay pang sumagot si kuya at pinatayan kaagad siya ng tawag.

Humarap na ako kay Marie at nakabusangot na naman iyung mukha niya. "Oh, bakit ganyan ‘yang mukha mo?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Sino ‘yung katawagan mo at may pag-love you pa kayo? Si Anne ba ‘yan?" may halong selos na pagtatanong niya sa akin.

Napailing na lang talaga ako dahil sa inaasta niya. Confirmed!

Napangisi ako at nilapitan siya para sundot-sundutin iyung tagiliran niya.

Like ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon