Chapter 5

643 12 0
                                    

Chapter 5

- Kayla Walker -

Mapayapa akong nakikinig kay Ma'am Merida nang maramdaman kong gumalaw ang kinauupuan ni Marie.

"Bes, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya.

Masyado lang ba akong nag-iisip ng kung ano-ano o guni-guni ko lang talaga iyon? Nakita ko kasing parang may pinunasan siyang luha sa kaniyang pisngi.

"Oo, okay lang ako."

Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo kaya tinanguan ko na lamang siya at bumalik sa pakikinig kay Ma'am Merida.

Hindi rin iyon nagtagal kasi naiinip na ako sa discussion niya. Kaya tumingin-tingin muna ako sa paligid at inobserbahan ang mga kaklase ko.

May mga nakikinig, pasimpleng nagdadaldalan at syempre mayroon ding mga natutulog.

Napadako ang tingin ko kay Marie, nagta-take note siya at seryosong nakikinig. Napangiti naman ako kasi ang swerte ko kasi may makokopyahan ako tuwing exam. Napadako naman ang tingin ko sa babaeng nakaitim. Seriously? Bakit kaya siya nakasimangot kanina.

"Miss Walker, wala kay Miss Sanchez ang lesson ko."

Natauhan na lamang ako nang nagsitawanan ang mga kaklase ko. Nag-umpisa na ring umakyat pataas ang dugo ko sa mukha dahil nakakahiyaaa. Sa sobrang hiya na nararamdaman ko, padabog akong tumayo kasama ang aking bag at tumakbo palabas ng classroom.

Damn it! Nakakahiya. Masyado ba talagang napatagal ang pagtitig ko sa kaniya?

Nakakainis talaga ang teacher na iyan, lahat na lang napapansin sa akin. Crush ata ako non.

Dahil na rin sa kalutangan ko, hindi ko na namalayang napapadpad na pala ako sa rooftop nitong school.

"Waaaaaahhh, nakakainis talaga! Masamid ka sana habang nagtuturo, bwisit ka!" Nanggagalaiti kong sigaw sa kawalan. Wala na akong pakialam kung sabihan nila akong nababaliw o kung ano pa man, I don't care!

Pinagsisipa ko ang mga upuan na nandito para kahit papaano, maalis itong nararamdaman kong pagkainis dahil sa pamamahiya ni ma’am at sa pisting Anne na iyon.

"Saka ikaw na Anne ka, dahil sa ‘yo kaya napagdiskitahan na naman ako nong teacher ko. Hindi kaya kita tinititigan. Never!"

Ibabato ko sana iyung sirang armchair pero may biglang may humawak sa braso ko.

"Hey, stop! Ano bang nangyayare sa ‘yo, Kayla?"

Napabuntong-hininga na lamang ako at binatawan ang ibabato ko sanang armchair at napaupo sa sahig. Pagod na ako, gulong-gulo na ako sa nararamdaman ko. Bakit ba kasi hindi ko mapigilang mapatingin sa babaeng iyon.

"Hindi ko alam, bes. Hindi ko na talaga alam," halos pabulong kong tugon kay Marie.

Naramdaman ko na lang iyung braso ni Marie sa akin. Niyakap niya ako habang hinahaplos ang aking likod.

"Bes, ang OA mo naman. May paiyak-iyak kapa diyan. Siguro siya ang dahilan kung bakit ka-badtrip kanina."

Bwisit! Naiiyak na ako dahil sa inis, may araw ka rin sa akin Ma'am Merida. Hindi ko na lang siya pinansin at tinuloy na lamang itong aking pag-iyak. Napapansin ko, kapag kayakap ko si Marie, pakiramdam ko ay ligtas ako.

Nang tumahan ako, nakaupo kaming dalawa ni Marie sa malilim na lugar dito sa rooftop. Ang ganda ng mga ulap, mahangin at hindi masyado masakit sa mata ang sinag ng araw. Nakakaramdam tuloy ako ng pagkaantok.

"Bes, alam mo bang may inamin ako kila mommy kagabi," panimula ni Marie.

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, ano bang pwedeng aminim nito kila tita?

Like ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon