Chapter 27
- Kayla Walker -
9:38pm
Simula nong umuwi kami galing sa binyagan at hanggang ngayon, hindi pa rin ako naaalis sa pagkakahiga kaya kahit pagpapalit ng damit o pagkain manlang, hindi ko pa nagagawa.
Nakatulala at maya-maya rin nagpa-flashback sa akin iyung mga nangyari sa binyagan.
"Sorry, Bes."
Iyung malulungkot na mata ni Marie, iyung determinadong aksyon ni Anne at ang pagpigil sa akin ni Kuya. Malinaw na malinaw sa akin iyon.
"Sorry talaga, Bes."
Simula nong umalis siya at hanggang ngayon, hindi pa rin niya ako tini-text o tinatawagan. Kanina pa rin ako text nang text sa kaniya pero hindi rin siya nagre-reply.
Ayan na naman iyung luha ko, mabilis ko iyon pinunasan pero sa bawat punas ko, may kasunod naman. Ang sakit sa puso, nakakainis naman kasi.
*Ring*
Nabuhayan ako ng loob dahil sa pagtunog ng cellphone ko. Mabilis kong kinuha iyung at pinidot iyung answer.
"Hello, Bes. Sorry talaga sa nangyari kanina. Susundan naman talaga kita kanina pero pinigilan lang ako ni Kuya," maluha-luha kong paliwanag kay Marie. "Bes, alam kong napaka-unfair ko sa 'yo. Please, mag-usap tayo."
Naghintay ako ng ilang minuto bago siya sumagot pero tahimik pa rin ang kabilang linya. "Bes, sumagot ka naman."
"Ah, hindi ako 'yung Bes mo. Ako 'to, si Minerva."
Mabilis kumunot ang noo ko at pinatayan siya ng tawag. Tsk, ang epal naman.
*Ring*
Tsk, pinindot ko ulit iyung answer at tinapat ulit sa aking tenga. Nakikisabay pa itong si Minerva, nakakasura.
"Ano ba, Minerva. wala akong oras para makipagchikahan sa 'yo," sabi ko. "Pag gan'tong may misunderstanding kami ni bes ko. Malilin–"
"Bes, ako 'to. Si Marie."
Mabilis kong tiningnan iyung caller ID at siya nga. Ito na naman iyung luha ko, natulo na naman.
"Bes, kumusta kana? Sorry talaga... Susundan naman talaga kita non pero...pero inigilan ako nong epal kong Kuya. Please, Bes, kausapin mo naman ako."
Oo na! Mukha na akong tanga na nagmamakaawa sa kaniya. Siguro hindi na rin ako maintindihan ni Marie dahil kakaiyak ko.
"Bes... Sumagot ka naman, oh. Please, sorry na."
Sandaling natahimik ang kabilang linya. Madami nang senaryong natakbo sa utak ko. Paano kung patayan niya ako ng cellphone, paano kung sabihin niya na...
Umiling-iling na lang ako kasi hindi niya iyon sasabihin sa akin. Alam kong never niyang gagawin sa akin iyon. Kaya bago pa ako mapraning dito, magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako.
"Bes... May gusto kaba kay Anne?"
Aray! May biglang espadang tumusok sa dibdib ko. Napayuko na lang ako dahil hindi ko sure kung ano sasabihin ko. May nag-uudyok sa akin na sabihing 'oo' pero mayroon din naman 'hindi'. Ang gulo!
"Be-bes," nanginginig kong sagot sa kaniya.
"Sige, hindi mo na kailangang sagutin 'yan. Bukas tuloy tayo. Eight AM, nandiyan na ako," tumigil siya saglit. "Bye." Malamig niyang pagpapaalam sa akin.
Nag-call ended na pero iyung luha ko, hindi pa nag-e-end.
Isinubsob ko na lang ang aking mukha sa unan at doon binuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

BINABASA MO ANG
Like Them
RomanceFirst day of school. sa bawat school year na lumilipas, alam natin na may bago ring nangyayari sa isang estudyante. Ngunit para sa isang grade 12 student, isa lamang itong normal na araw. Sa hindi inaasahan na pagkakataon, may pumasok sa kanilang cl...