Chapter 25
- Kayla Walker -
Tutulo na sana iyung laway ko nang biglang may malakas na pagbukas ng pinto ang nagpagising sa akin. Jusko naman, nakakatulog na ako, ay."Baby girl, may bisita ka at sasamahan niya raw tayo maghukay." Wait, maghukay?
Napabalikwas ako sa pagkakahiga at gulat na nakita si Anne. "Anong ginagawa mo dito saka bakit kasama mo si mommy?"
Mabilis ko namang tinaas ang kumot ko para matakpan ang walang pang itaas kong damit, naka-bra lang talaga ako pagnatutulog. Jusko naman! Anong ginagawa nito rito!
"Baby girl, ang rude mo naman sa kaklase mo."
"Mommy, ano 'yung sinabi mo kanina? Maghuhukay at sasama? Jusko, ayoko siyang makasama."
"No buts, mag ayos kana at hihintayin ka namin sa baba." Hinila na niya palabas si Anne at sinarado ang pinto.
Mapapakamot ka na lang sa hindi makati dahil kay mommy at talagang sinama niya pa talaga sa mga kalokohan niya si Anne.
-------------------------
Kung kanina ay mapapakamot ka na lang sa hindi makati, ngayon naman ay gusto ko na lang ilibing ang sarili ko sa lupa.
"Baby girl, smile kana. Talagang hindi natin mahahanap 'yung hinahanap natin kapag nakasimangot ka." Sigaw na utos sa akin ni mommy.
Lalo akong napasimangot kasi tinatawanan ako ni Anne. "Oo nga, smile na," singit niya pa.
"Nako, 'wag niyo nga ako pagdiskitahan diyan. Tahimik akong natutulog kanina tapos gagambalain niyo ako!" Naiirita kong sigaw sa kanila.
Kasalukuyan kaming nandito sa private property ni daddy at naghuhukay na naman. Minsan talaga ang sarap dalhin ni mommy sa pinakamalapit na mental hospital, masiyado siyang nababaliw kakahukay. Ayaw naman niyang sabihin sa akin kung ano iyung hinahanap namin.
"Okay girls, magpahinga muna tayo." Naglakad na si mommy at umupo sa mga hinandang upuan nila manong.
"Kayla."
Nilingon ko siya at mukhang pagkakamali iyon kasi natigilan ako dahil sa itsura niya.
Namumula siya dahil sa pagkababad niya sa araw at ang nakakainis pa, ang ganda niya pa rin kahit haggard na iyung mukha niya. Napalunok din ako dahil sa pagdaloy ng pawis niya sa pisngi, ang hot niya.
"A-anong kailangan mo?"
"Oh, inumin mo 'to." Sabay abot sa akin ng mineral water.
Kinakabahan ko naman itong kinuha sa kaniya pero sa hindi inaasahan, na-out of balance ako at nag-landing kay Anne.
"Waaaahh."
Pag mulat ng aking mata, nakapaibabaw na ako kay Anne at sobrang lapit ng mukha namin, as in! Ilang minuto rin kaming nagkatitigan at parang hini-hypnotize niya akong halikan siya.
"Jusko naman, anong nang--- ay ang halay niyo naman diyan." May pandidiring biro sa amin ni Mommy.
Dahil sa sinabi niya, agad akong umalis sa pagkakaibabaw kay Anne at nahihiyang tiningnan si Mommy. "Anong mahalay? Na-out of balance lang ako kaya nakita mo kami sa ganong posisyon."
"Oo nga po," Pagdidepensa ni Anne. "Sinalo ko lang po siya."
Tiningnan lang kami ni mommy at sinimulan maglakad paikot sa amin.
"Mommy, anong ginagawa niyo?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya. Mukhang may binabalak siyang kalokohan.
"Alam niyo," Tumigil si mommy sa pag-ikot at nakangiting tiningnan kami. "Bagay kayo."

BINABASA MO ANG
Like Them
RomanceFirst day of school. sa bawat school year na lumilipas, alam natin na may bago ring nangyayari sa isang estudyante. Ngunit para sa isang grade 12 student, isa lamang itong normal na araw. Sa hindi inaasahan na pagkakataon, may pumasok sa kanilang cl...