Chapter 20
- Marie Ford -
"Oh my God, Marie! Hindi kaba natatakot sa sinasabi mo!? Alam mo namang malas sa negosyo 'yang ginagawa mo! Talaga bang susuwayin mo kami para lang sa babaeng 'yon!"
"Marie, bumalik ka rito. Kinakausap pa kita! Kapag---" magbabanta pa sana si mommy sa akin pero hindi ko siya pinakinggan at kumaripas nang takbo palayo sa kotse niya.
Bawat takbo ko ay siya ring punas ko sa akin luha. Ang sakit talagang hindi nila matanggap kung ano talaga ako pero mas masakit para sa akin na hindi nila matanggap ang taong mahal ko.
Hindi ko naman ine-expect na dadaan pala rito si mommy. I thought nasa Cebu siya para sa business niya. Ayan, business na naman. Ayaw ni mommy sa lesbianang anak kasi malas daw sa negosyo. Kaya ko namang gumawa ng sarili kong negosyo kung gugustuhin ko.
Akala ko matatanggap niya ako noong umamin ako sa kaniya. Ako ang paboritong anak at naging sunod-sunuran din ako sa mga gusto nila. Akala ko sapat na iyon para matanggap nila ako... Pero hindi pa rin pala.
Sa kakatakbo ko ay hindi ko na namalayang nakarating na pala ako sa tapat ng malaking gate nila Kayla.
Inayos ko muna ang aking sarili at kakatok na sana nang may biglang may tumawag ng pangalan ko.
"Oh, Marie, anong ginagawa mo rito? Teka, 'di ba may klase pa kayo?" Hinarap ko si kuya Renz at napakamot sa ulo, paano ko ba sasabihin sa kaniya na pinaalis kami kanina sa klase.
"Ahh, ano kasi..."
"By the way, tulungan mo na lang ako sa mga dalahin ko papasok ng mansion. Sa loob na tayo mag-usap."
Tumango na lang ako saka kinuha iyung ibang mga pinamili ni Renz at nakakapagtaka na puro itlog itong pinamili niya.
Pagkalapag ko nong mga dala ko ay napatingin naman ako sa mga nakasabit at ganon na lang ang gulat ko nang makitang may 'Happy Birthday, Kayla' sa dingding.
"Birthday ni Kayla?" Naguguluhan kong tanong kay Renz.
Tinanguan niya lang ako bilang sagot. Napasapok na lang ako ulo dahil sa dami kong iniisip ay nakalimutan kong ngayon nga pala ang birthday niya.
"Sya nga pala, nasaan nga pala 'yung maldita kong kapatid?" Tanong niya.
"Ha, hindi pa ba nakakauwi rito si Kayla? Iniwan ko kasi siya Park at sinabihan na rito na lang kami magkita." Kinakabahan kong sagot sa kaniya, nasaan naman kaya si Kayla?
"Nagtext nga pala sa 'kin si Anne, kasama na niya si Kayla," biglang sabi ni Lim habang nakatingin sa cellphone niya.
What the F!!! Mabilis pa sa speed boat ang paglingon ko kay Lim.
"What! Kasama niya si Anne? Itanong mo kung nasaan sila at pupuntahan ko sila," lumapit agad ako kay Lim at sinamaan siya ng tingin. "Dali!"
Binatukan naman ako ni Renz kaya napahawak tuloy ako sa ulo ko, "Marie, 'wag OA. Nakakasiguro naman akong ligtas 'yang kapatid ko kay Anne. Kaya 'wag mo na sila puntahan at tulungan mo na lang kami rito."
"Oo nga saka sure ako sa gagawin natin ay matutuwa 'yon sa 'yo." Pag sisiguro ni Lim sa akin. Kung alam niyo lang...
Napabuntong hininga na lang ako kasi masama talaga ang kutob ko diyan sa Anne na iyan. Sa titig at kilos pa lang niya, alam kong may gusto siya sa bes ko. Last time I checked ay nanliligaw si Lim sa kaniya. Bakit parang...
"Marie, nakasimangot ka pa rin diyan. Gusto mo bang tawagan natin sila para makasiguro kang ligtas ang bebe mo?" Sabay inabot niya sa akin iyung cellphone niya.

BINABASA MO ANG
Like Them
RomanceFirst day of school. sa bawat school year na lumilipas, alam natin na may bago ring nangyayari sa isang estudyante. Ngunit para sa isang grade 12 student, isa lamang itong normal na araw. Sa hindi inaasahan na pagkakataon, may pumasok sa kanilang cl...