Chapter 34
- Kayla Walker -
Nandito ako ngayon sa dating pinagdalhan sa akin ni Anne. Dinadama ang simoy ng hangin na dumadampi sa makikinis kong balat.
Ilang araw na naman iyung lumipas. Ilang araw na rin ako nag-iisip kung ano na gagawin ko sa buhay. Ilang araw na may natawag sa akin tapos hindi nagsasalita. Ilang araw na puro si Minerva ang nakakausap ko kasi hindi ako kinakausap ni kuya at ilang araw na rin hindi kami nagkikita ni Anne.
Speaking of Anne, kinuha ko iyung aking cell phone sa sling bag at tiningnan ang caller ID nito.
Natawag iyung babaeng nasaktan ko at patuloy ko pa ring masasaktan kapag pinagpatuloy ko pa rin siyang hayaan sa panliligaw sa akin.
"Anne's calling," mahinang basa ko.
Swinipe ko agad iyon papunta sa green button saka tinapat sa tenga ko.
"Hello."
"Nasaan ka ngayon, Kayla?"
"Nandito sa pinagdalhan mo sakin dati."
Hindi sumagot si Anne kaya nagsalita ulit ako.
"Anne, pwede bang puntahan mo ako dito? May sasabihin ako sa 'yo."
Nanahimik saglit si Anne. Mukhang pinag-iisipan ang bawat sasabihin niya. Hindi rin naman iyon nagtagal kasi nagsalita na siya...
"Sige, papunta na ako. May sasabihin din ako"
Pinatay na niya agad iyung tawag saka pa lamang ako nakahingang maluwag nun. Ano kaya iyung sasabihin niya?
Hinanda ko na ang sarili ko sa mga pwedeng sabihin sa akin ni Anne. Handa na rin ang mga sasabihin ko sa kaniya. Ilang araw ko na rin iyon pinaghahandaan.
Naghintay pa ako ng ilang minuto. Siguro nga 45 mins bago ako nakarinig nang pagtawag sa pangalan ko.
"Kayla!"
Nilingon ko siya at pinagmasdan. Sobrang ganda na niya, wala na iyung itim niyang eye glasses at nakatirintas na rin iyung itim niyang buhok. Nakasuot siya ng white polo at black slacks sa pambaba saka naka-flat shoes din siya. Tsk, Ang baduy pa rin niya talaga magpoporma.
Baduy pero elegante. May hawak siyang payong na itim at parang nag i-slowmo siya papalapit sa akin.
Siya iyung babaeng tumulong sa akin sa loob ng limang taon.
Siya iyung babaeng walang tigil sa panliligaw sa akin ng limang taon.
Siya iyung babaeng gumugulo sa isip ko noong panahong nandito pa si Marie...
At iyung babaeng nasasaktan kasi puro si Marie na lang ang bukambibig ko.
Iyung taong hindi deserve ang isang tulad ko.
"Anne," mahinang tawag ko sa kaniya.
Nakatayo na siya sa harapan ko. Nakangiti siya pero makikita mo sa mga mata niya ang kalungkutan.
Umupo siya sa tabi ko at pinunasan ang luha ko sa pisngi. Palagi niyang ginagawa iyan sa tuwing umiiyak ako dahil kay Marie pero iba ngayon... Hindi na si Marie ang iniiyakan ko kundi siya na.
"Napakaiyakin mo talaga, Kayla. Wala pa nga akong sinasabi tapos umiiyak kana agad diyan."
Sinunggaban ko siya ng yakap at paulit-ulit na sinabi ang dapat na sinabi ko sa kaniya.
"Maraming salamat."
"Maraming salamat kasi nandito ka palagi sa tabi ko, maraming salamat kasi hindi ka nagsasawang intindihin ako kahit sobrang gulo ko na. Maraming salamat kasi hindi ka nagsasawang mahalin ang isang tulad ko. Maraming salamat kasi kahit walang kasiguruduhang mamahalin kita, nandito ka pa rin para mahalin ako. Maraming salamat kasi kung wala ka, sigurado akong wala na rin ako ngayon. Sorry talaga kung puro Bes na lang ako at palagi kang nasasaktan, sorry kung hindi ko kayang suklian ang pagmamahalan na gusto mo at deserve mo. Sorry talaga Anne, sorry."
BINABASA MO ANG
Like Them
Ficção AdolescenteFirst day of school. sa bawat school year na lumilipas, alam natin na may bago ring nangyayari sa isang estudyante. Ngunit para sa isang grade 12 student, isa lamang itong normal na araw. Sa hindi inaasahan na pagkakataon, may pumasok sa kanilang cl...