Chapter 1
- Anne Sanchez -
FIRST DAY OF SCHOOL.
Isang typical na nangyayari tuwing unang araw ng pasukan. Tahimik na binabagtas ang daan papunta sa bago kong classroom. Kapansin-pansin ang mga estudyante rito. Kung makatingin sa akin, akala mo ay taga ibang planeta ako at mayroon pang parang nandidiri sa akin. Ganito ba sila mag-welcome sa mga bagong lipat na estudyante?
Bago naman ako umalis ng bahay, sinigurado kong disente ang aking pananamit. Mga bago naman itong mga gamit ko at hindi naman nalalayo sa mga kasuotan nila. Siguro nga na normal lang ito tuwing unang araw. Imbis na magpaapekto sa mga nakakailang nilang tingin, itinuon ko na lang ang aking atensyon sa paglalakad dahil wala akong oras para sa mga taong kagaya nila.
Ayon sa aking nakalap na impormasyon, sikat na school itong Walker University. Dito naisipan nila mama na papasukin ako dahil dito raw nagtapos iyung mama ni papa. Sakto naman na kailangan ni papa lumipat sa lugar na ito para sa work niya.
Hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng magiging bago kong classroom. May mga naririnig akong ingay mula sa loob. "Mukhang magugulo pa ata itong mga bago kong kaklase."
Sinuklayan ko muna ang itim at mahaba kong buhok gamit ang aking palad saka huminga nang malalim bago hawakan ang doorknob.
"Sana naman ay makahanap ako ng mga bagong kaibigan dito." Bago ko pa man pihitin pakanan ang doorknob ay biglang may nagsalita sa aking likuran.
"Ikaw ba ‘yung transfer student?"
Nilingon ko ang pinanggalingan nung boses at napaayos ng tayo. Mas lalo akong kinabahan nang umangat ang kaliwang kilay niya dahil na rin siguro sa kinikilos ko.
"O-opo, ma'am," kinakabahan man, nagawa ko pa ring ngitian siya.
Sumenyas siya na tumabi ako sa dadaanan niya kaya dali-dali ko naman iyong sinunod. Nakakatakot naman siya, mukha siyang professor na napaglipasan ng panahon.
Nauna siyang pumasok sa loob kaya hudyat na rin iyon para pumasok na rin ako. Good luck sa akin, sana makahanap ako ng bagong kaibigan—kaibigan nga ba?

BINABASA MO ANG
Like Them
RomanceFirst day of school. sa bawat school year na lumilipas, alam natin na may bago ring nangyayari sa isang estudyante. Ngunit para sa isang grade 12 student, isa lamang itong normal na araw. Sa hindi inaasahan na pagkakataon, may pumasok sa kanilang cl...