Chapter 11
- Kayla Walker -
"Whahahaahahahaha!"
Wala pa rin siyang tigil sa kakatawa dahil sa tanong ko. Nakakainis, ihuhulog ko na talaga siya sa kinauupuan niya kapag hindi pa siya tumigil. May mali ba sa tanong ko?
"Sa susunod, umamin k-ka na lang. Nabubuko ka kasi... pag nagsisinungaling ka." Halos hindi na niya nasabi ng maayos iyan dahil sa kakatawa niya.
Bwisit naman, eh. Humiga na lang ulit ako at nagtalukbong ng kumot. Bahala siya diyan. Hindi ko siya papansinin.
Maya-maya rin ay tumigil na si Anne sa kakatawa kaya kahit papaano ay tumahimik itong clinic.
"Hey, sorry na. Hindi na kita tatawanan," sabi niya.
"Sure ka?"
"Oo kaya tumayo kana riyan at uuwi na tayo," malambing niyang utos sa akin.
Huh? Uuwi? Anong oras na ba?
Tiningnan ko iyung pink kong relo at tama nga siya, uwian na namin.
Gaano ba ako katagal nakatulog dito sa clinic at anong uuwi na kami? As in, kasama ko siya uuwi? Napabangon ako sa aking pagkakatalukbong at tiningnan siya nang may pagtataka.
"Teka lang? Anong uuwi tayo? Che! Uuwi ako mag-isa at maiiwan ka rito," nahihiya kong sigaw sa kaniya. Wala na ako pakialam kung sino o siya nga talaga ang nagdala sa akin dito, naiinis pa rin ako sa kaniya.
"Ahh, ganon ba. Sige, magpapasundo na lang siguro ako kay Lim at maiwan kang mag-isa diyan," sarcastic niyang sagot sa akin.
Ano! Lim na naman. No! Hindi ako makakapayag na makasama niya si Lim. Ewan, nasakit talaga ang mata at tenga ko pagnakikita o nababanggit niya si Lim.
'Selos' biglang daan sa isip ko.
Huh? Anong selos? Napailing na lang ako at inirapan si Anne.
"Ano! Bakit ka naman magpapasundo sa kaniya? Driver mo ba siya, ha? DRIVER MO?!"
Napangisi siya at napa-crossed arms, "Bakit kaba nagagalit? Manliligaw ko naman 'yon kaya natural, isang text ko lang ay susunduin ako non."
Naputol iyung pag-uusap namin ni Anne nang tumunog iyung cellphone ko. Nang tingnan ay si kuya Renz lang pala iyung nag-text. Ano naman kayang kailangan nito?
"Lil sis, may lagnat ka raw. Sorry, hindi na kita maaalagaan mamaya. Wala kasi ako sa bahay kaya may papakiusapan na lang ako para may mag-alaga sa ‘yo. Uuwi rin naman agad ako bukas, enjoy."
Bakit ganon? Enjoy, saan naman?
Huminga muna ako ng malalim saka nag-type ng isasagot kay kuya Jhay.
"ANONG ENJOY KA DIYAN?! MAY LAGNAT NA NGA AKO TAPOS IIWAN MO PA AKO SA KUNG SINO-SINO LANG? ANO BA KASI ‘YANG GAGAWIN MO?"
Nanggigigil kong pinindot iyung sa sent button. Nababaliw na ba si kuya? Talaga ba na iiwan niya ako sa kung sino-sino lang at ano ba kasi iyung inaasikaso niya na mas importante pa sa akin?
Napatingin ako kay Anne kasi tumunog din iyung cellphone niya. Sa bawat paggalaw niya, ultimo nga iyung pagkunot ng noo niya habang binabasa iyung nasa cellphone niya ay inoobserbahan ko.
'Ang ganda.'
Teka, ano ang ganda? Okay, mukhang nagka-love-nat nga ako dahil sa mga nangyari sa akin kahapon. Teka? Anong love-nat? Kanino? Sa halik nila Anne at Marie o sa kamalasan ko? No! Talagang simpleng lagnat lang ito kaya ano ba, self, kung ano-ano na naiisip mo.
Natigil lang iyung nakikipagtalo ko sa aking isip nang biglang kumalabog iyung pinto at niluwa non ang humahangos kong best friend.
"Bes! Okay na ba ‘yang pakiramdam mo? May gusto kabang kainin? Sorry talaga at hindi na kita nabantayan. May inasikaso lang kasi ako kanina. Okay kana ba?"
Grabi siya. Ang OA naman niya.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa noo. "Bes, sumagot ka naman."
Okay na nga at tumahimik na itong isa pero may isa pang dumating na maingay. Hindi na ba matatahimik itong mundo ko?
"Jusko, bes. Okay na ako saka ang OA mo naman. Lagnat lang naman 'to at hindi nakakamatay."
Nakahinga nang maluwag si Marie dahil sa sinabi ko pero napataas ang kilay niya dahil nakita niya si Anne sa tabi ko. Wow! Ang taas, hindi ko ma-reach.
"Bakit hindi ka pa rin umaalis dito?" nanggigigil niyang tanong kay Anne.
"Oy, bes. Chill ka lang, ‘yung dugo mo. Baka ma-high blood ka niyan."
Mukhang may magtatalo pa ata sa harap ko.
"Hayssst, bes naman. By the way, sabi nga pala sa akin ni Renz na samahan kita sa bahay niyo hanggang bukas."
Ahh, siya pala iyung sinabihan ni kuya para alagaan ako. Teka! Ito ba iyung sinasabi ni kuya na enjoy? Bakit...
"Ehem!" biglang epal nong isa.
Aba! Mayroon pa atang may Tuberculosis dito.
"Okay ka lang ba, manang?" mataray kong tanong sa kaniya.
Hoy! Hindi ako nag-aalala, inaasar ko lang siya. Yah, inaasar.
"Pwede rin ba akong makisali sa inyo?" out of nowhere na tanong ni Anne sa amin.
Huh? Ano ito, threesome?
Sabay sila na napalingon sa akin at namumula ang mga mukha nila. Teka, anong mayroon at mga namumula iyung mga mukha nila?
Naghintay ako kung sino sa kanila ang unang magsasalita pero wala, kaya ako na lang ang nagsalita.
"Hoy! Bakit kayo namumula?" pasigaw kong tanong sa kanila. Hindi pa rin sila sumagot at parehas na nag-iwas ng tingin sa akin. Nakakasura talaga sila, mukhang dito sila nagkasundo. ANG PAG-TRIP-AN AKO!
"Hoy, tinatanong ko kayong dalawa! Bakit nga kasi kayo namumula?" pag-uulit ko ng tanong sa kanila.
"Ha? Ano ulit 'yon, bes? Wala naman kaming sinasabi o narinig, diba Anne?"
Natatarantang tanong ni Marie kay Anne. Nako naman, sino ba mga niloloko nila?
"Yah, wala," maikling sagot ni Anne.
Hindi na lang ulit ako nagtanong at hindi na lang sila pinansin. Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil nag-uumpisa na namang sumakit. Nakaka-stress talaga sila, kaya ayoko nagkikita silang dalawa. Sure ako na mag-aaway lang sila o pagti-trip-an ako gaya na lang na nangyayari ngayon.
"So, pwede ba akong makitulog sa inyo, Kayla?" pag-uulit na tanong sa akin ni Anne.
Saglit akong nag-isip, siguro naman hindi masama kung pasasamahin ko siya, diba?
The more, the merrier. Sasagot na sana ako pero biglang sumabat si Marie. "Hindi na kailangan 'yon. Kaya ko naman alagaan si Kayla MAG-ISA kaya huwag kana makisali pa."
Wow! Ang tigas nang pagkakasabi niya ng 'mag-isa'. Hindi naman halatang ayaw pasamahin ni Marie si Anne, diba?
Tiningnan ako ni Anne at binigyan ng pwede-ba-look.
Umiling ako na lang at sinagot siya, "Bawal manang sa bahay namin."
_____________________________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
Like Them
Fiksi RemajaFirst day of school. sa bawat school year na lumilipas, alam natin na may bago ring nangyayari sa isang estudyante. Ngunit para sa isang grade 12 student, isa lamang itong normal na araw. Sa hindi inaasahan na pagkakataon, may pumasok sa kanilang cl...