Chapter 19
- Kayla Walker -
Napasimangot na lang ako dahil dinala ako ni Marie sa Park na malapit lang sa mansion namin. Tsk, ano namang masaya rito?
"Bes, niloloko mo ba ako? hindi naman masaya rito." Nakabusangot kong sabi sa kaniya.
Hindi ko mapigilang magpapadyak na parang sobrang cute na bata dahil sa sobrang pag kainis sa kaniya. "Ayoko rito!"
"Bes, umayos ka nga diyan, masaya naman dito, ah," pag-aalo niya sa akin
Inilibot ni Marie ang patingin niya at napangiti nang may nakita. Tumakbo siya papunta roon sa nagbebenta ng dirty ice cream at bumili ng dalawa.
Pagkabayad niya ay tumakbo ulit siya pabalik sa akin at binigay sa akin yung isang ube ice cream.
"Meron naman nito sa Mall." Labag sa loob kong tinikman yung chocolate ice cream na binili niya sa akin. Ang sarap.
"Chillax, kakarating lang natin, eh. Enjoy mo lang muna."
Hinawakan niya ako sa kamay at nginitian ako. Ngiting para lang sa akin.
--------------------------------------
Sa kabila nang pagrereklamo ko, wala rin nangyari at halos malibot na namin iyung kasulok sulukan nitong Park.
"Bes, alam mo ang saya ko," nakatingin lang siya sa kawalan at napapansin kong kanina pa hindi mawala-wala ang ngiti sa labi niya.
Mukhang magda-drama pa ata ito.
Napahawak na lang ako sa noo kasi pitikin ba naman niya ang noo ko. "Ang sakit non, ah."
"Ayan ka na naman, bes, nag sasalita ka na naman bigla-bigla." Hindi niya rin tinitigilan ang pisngi ko.
Noong tumigil na siya ay inirapan ko na lang siya at umupo sa bench.
May sasabihin sana ako sa kaniya pero biglang tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya ito ay bigla nag-iba ang timpla ng mukha niya.
"Wait lang, ha." Paalam niya sa akin at naglakad palayo.
Ano na naman kayang nabasa nito. Pinagmasdan ko lang siya maglakad pa layo pero natigil lang iyon nang may tumabi sa akin at hindi pa nakuntento kasi inakbayan niya ako.
"Grabe 'yung manliligaw mo 'noh, iniwan ka na lang bigla."
Tinanggal ko iyung pag kakaakbay niya sa akin kasi damang dama ko iyung init ng katawan niya. Nakakailang kaya lumayo ako sa kaniya at iritable siyang nilingon.
"Bakit ka nandito?"
"Para samahan ka." Nakangiti niyang sabi sa akin.
Bwisit, bakit ang cute niya?
"Whahahahaha."
Tinakpan ko iyung bibig ko kasi my god! Ayan na naman ako.
"Bakit ka naman iniwan ni Marie dito?" Tanong niya sa akin.
"Ano bang paki mo, manang? May nag-text lang sa kaniya kaya umalis lang siya saglit. Babalik din 'yon mamaya." Naiinis kong sagot sa kaniya.
Tiningnan lang ako ni Anne kaya inirapan ko siya. Nakakainis siya, ang daming tanong.
"Bakit ba ang init-init ng ulo mo sa akin? May nagawa ba akong mali?"
Hindi ko na lang siya pinansin at tiningnan na lang iyung tindang lobo doon sa hindi kalayuan. Ang ganda noong pink na lobo.
BINABASA MO ANG
Like Them
Novela JuvenilFirst day of school. sa bawat school year na lumilipas, alam natin na may bago ring nangyayari sa isang estudyante. Ngunit para sa isang grade 12 student, isa lamang itong normal na araw. Sa hindi inaasahan na pagkakataon, may pumasok sa kanilang cl...