Chapter 4
- Kayla Walker -
Buong klase akong nakatungo pero hindi ako makatulog kakaisip kung nasaan na ba si Anne. Kaya kesa mabaliw sa kakaisip, pagkatapos ng klase ay inayos ko kaagad ang aking mga gamit at sinimulan na tumakbo para hanapin siya. Inumpisahan ko muna maghanap sa gymnasium–sa mini garden–at sa swimming pool area.
Halos nalibot ko na ang buong school at nakapagtanong na rin sa iba pero ano nga bang makukuha ko sa kanila? WALA! Kakalipat niya lang pala rito sa Walker University.
"Nasaan na ba kasi 'yung itim na manang na 'yon?"
Nang mapagod ay itinigil ko na ang paghahanap sa kaniya at mas pinili na lamang pumunta sa rooftop para kumalma. Ano ba kasi, self? Bakit ko ba hinahayaan ang sarili ko na magpaapekto sa babaeng iyon?
Bubuksan ko na sana iyung pinto nang may biglang humila sa akin papalapit sa kaniya. Nagtaasan tuloy ang aking balahibo sa katawan dahil sa nakakaramdam kong nerbyos at dahil na rin sa pagkabigla.
Nagpupumiglas ako para makawala sa kaniya, "Who are you? Let me go!"
"Bakit mo ako sinusundan?"
Sa sandaling narinig ko ang kaniyang boses, natulala na lamang ako dahil sobrang lapit na pala ng aming mukha. Tanging hangin na lang ang nagsisilbing harang para hindi magdikit ang aming mga labi.
Wait? Erase-erase. Agad akong lumayo sa kaniya pero hindi pa rin niya tinatanggal ang pagkakahawak sa braso ko.
"Ano ba 'yung mga sinasabi mo? H-hindi kaya kita sinusundan o hinahanap kaya 'wag kang assuming diyan." Kinakabahan na saad ko sa kaniya habang nagpupumiglas pa rin sa pagkakahawak niya sa akin.
Tiningnan niya muna ako nang mabuti at pinakiramdaman kung nagsisinungaling ba ako. Nang may napagtanto siya, napabuntong hininga na lamang siya at dahan-dahang binitawan ang aking braso.
Hinimas-himas ko naman iyung parte ng hinawakan niya, ang sakit. Halos bumakat na ang kamay niya dahil sa sobrang higpit nang pagkakahawak niya.
"Next time, galing-galingan mo sa pagsisinungaling. Nahahalata ka kasi."
Tinalikuran na niya ako at naglakad palayo. Nang mawala na siya sa aking paningin, saka ko lamang na-realize na iniwan niya akong mag-isa rito. Halata ba talagang nagsisinungaling ako?
"Tsk, nakakainis ka talaga, Anne!"
Inayos ko muna ang aking sarili at padabog na naglakad pabalik ng classroom. That girl! Nakakainis talaga siya. Makakabawi rin ako sa babaeng iyon. Maghintay lang talaga siya at makakaisip din ako para sa aking sweet revenge. Teka? anong sweet?
"Bes."
Nakakabwisit talaga ang manang na iyan, akala mo naman kung sinong maganda. Hindi ko kaya siya sinusundan, hinahanap lang.
"Kayla!"
"Nako, huwag lang talaga magpapakita sa 'kin 'yan at susuntukin ko siya." Sumuntok ako sa ere dahil sa sobrang pagkainis sa kaniya, "Humanda ka sa 'kin!"
"Bes, sino naman 'yang kaaway mo at may pagsuntok kapa sa ere diyan?"
Nilingon ko naman iyung babaeng nagsalita at nang makilala siya ay napairap na lamang ako, "Ang hangin. Bakit ngayon ka lang nagpakita sa 'kin?"
Habang nakapamaywang ako, pakiramdam ko ay may mga nakamasid sa amin kaya tumingin-tingin ako sa paligid at napansin ang ibang studyante na nagbubulungan.
"Bes, bakit ang sama na naman ng aura mo diyan? May nakaaway kaba habang wala ako?" natatawang tanong sa akin ni Marie.
"Che! Huwag mo na alamin at bakit wala ka kaninang first period? Akala ko ba makakapasok kana kanina?" Pag-iwas ko sa kaniyang tanong. Sobrang kulit pa naman nito, hindi siya titigil hangga't hindi nakukuha ang gustong malaman.

BINABASA MO ANG
Like Them
RomanceFirst day of school. sa bawat school year na lumilipas, alam natin na may bago ring nangyayari sa isang estudyante. Ngunit para sa isang grade 12 student, isa lamang itong normal na araw. Sa hindi inaasahan na pagkakataon, may pumasok sa kanilang cl...