Chapter 29

175 6 0
                                    

Chapter 29

- Kayla Walker -

Nakaupo ako ngayon sa sofa namin at hinihintay si Marie.

Ilang minuto na lang at magkikita na kami. Walang kasiguruhan kung anong mangyayari sa date na ito. Date paba tawag dito kahit magkagalit kami?

"Lil sis, chillax. Baka mapatae kana diyan," natatawang asar sa akin ni kuya.

Nakakabwisit naman ito. Imbis na makatulong, lalo lang ako kinakabahan sa mga sinasabi niya.

"Kuya, alam mo naman iyung nangyari kahapon, diba? Kaya sigurado akong awkward 'tong date na 'to."

Sa totoo lang hindi na ako nakatulog kagabi kakaisip kung ica-cancel ko ba itong date na ito o hindi.

"Saka kuya, feeling ko I don't deserve her. Palagi ko siya sinasaktan."

"Oh, tapos?" nakapamewang niyang sabi sa akin.

"Kuya naman, seryoso ako rito kaya ayosin mo 'yang mga sagot mo."

Tinapik ako ni kuya sa balikat at nginitian ako. "Alam mo Lil sis, mahal na mahal ka ni Marie kaya alam kong maiintindihan ka niya. Ikaw naman kasi, bakit ba kasi naguguluhan kap---."

Hindi na niya natapos iyung sasabihin niya dahil biglang tumunog iyung cell phone ko.

Nag-excuse ako kay kuya at lumayo muna bago sagutin iyung tawag.

"Anong kailangan mo?"

"Wala naman. Kamusta kana?"

"Pwede ba, Minerva. Wala akong oras para sa makipaglokohan sa 'yo."

"Chill ka lang. Napatawag lang naman ako para sabihan ka. Kung naguguluhan kapa sa totoo mong nararamdaman para don sa dalawang taong iyon, pwede namang bigyan mo silang chance pareho."

"Madaling sabihin 'yan pero mahirap, Minerva. Saka 'di ba school nurse ka lang naman kaya alagaan mo na lang 'yung mga pasyente mo sa school."

"Hahaha, sinasabihan lang naman kita at ikaw na nga 'tong binibigyan ng option, ikaw pa itong galit. Bweno, ikaw na bahala diyan sa magulo mong love life. Kapag kailangan mo ng kausap, nandito lang ako. Bye."

Bastos na nurse ito. Bumalik na ako kay kuya at tinago sa sling bag iyung cell phone ko.

"Bakit nakakunot na naman 'yang noo mo at sino 'yang tumawag sa 'yo?"

"Tsk, 'yung school nurse namin. Grabe mag-advice, akala mo naman may love life."

Napatingin ako sa wall clock namin at bigla akong kinabahan.

"Oh, ikaw pa itong galit? Eh, tinutulungan ka naman pala. Mabuti nga nandiyan si Minerva. Tamo, medyo gumaan 'yang pakiramdam mo sa pagtawag niya," segunda sa akin ni kuya.

Aba! Anong mayroon at kinakampihan niya iyung epal na iyon pero sa bagay, gumaan nga kahit papaano ang pakiramdam ko.

May kumatok sa pintuan namin kaya tumayo ako para buksan iyon.

"Hi bes, ready kana ba? Tara na't marami pa tayong pupuntahang lugar." Nakangiting bungad sa akin ni Marie.

Confused... Mula nang umalis kami sa bahay at hanggang sa umandar na itong kotse ni Marie, pagtataka lang ang humugis sa pagmumukha ko.

"Bes, bakit ganyan naman 'yang mukha mo? Bakit may sugat 'yang labi?" tanong ko sa kaniya.

Hinawakan ni Marie ang kamay ko tapos ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa manibela.

Like ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon