Chapter 26
- Kayla Walker -
Sabado ngayon at naggagayak ako para sa binyagan nong kaibigan ni Kuya. Felix ata iyung pangalan non.
"Bes, dalian mo diyan! Male-late na tayo." Narinig kong sigaw ni Marie mula sa labas ng kwarto.
Jusko naman, excited naman sila masiyado. Tumingin muna ako sa salamin at wow! Ang ganda ko. Nakasuot ako ng kulay pink na floral dress, nagpulbo rin ako at nag-lipstick na pula. Ngumiti ako nang pagkatamis-tamis saka sinuot ang relo kong pink at bracelet na binigay sa akin ni Marie.
Nga pala, pumutok na iyung lobong binigay sa akin ni Anne kaya ang ginawa ko, itinali ko na lang sa bracelet ni Marie. Okay lang naman siguro iyon kay Marie saka bumagay naman sa akin.
Nang masigurong okay na ang itsura ko, bumaba na ako at naabutang si Marie na nakatalikod at may kausap sa telepono niya.
"Mamaya na lang pag-uwi ko... Oo, mamaya... Sige, bye mom."
Pagkatapos nong tawag at naitago na niya ang kaniyang cellphone, huminga ako nang malalim at tinawag siya sa tawagan namin.
"Bes."
Humarap siya sa akin at mukhang nagulat pa siya. Hindi maipinta ang mukha ni Marie, para siyang nakakita ng magandang babae at nakaawang pa ang kaniyang bibig.
Naglakad ako palapit sa kaniya suot-suot ang matamis kong ngiti. Biglang nataranta si Marie at mukhang hindi alam ang gagawin. Nangyari sa kaniya?
"Hindi mo ba nagustohan ang suot ko?" Nguso kong tanong sa kaniya pero hindi pa rin siya nagsasalita. "Pag hindi kapa nagsalita diyan, magpapalit na lang ako sa taas. Ayaw mo ata nitong suot ko."
Bago pa man ako tumalikod ay bigla niya akong hinawakan sa braso para pinigilan. "Wait, 'wag na. Sa totoo lang, sobrang bumagay sa 'yo 'yang suot mo."
Nakatitig lang siya sa akin at nagkukulay kamatis din iyung pisngi niya, kinikilig ba siya?
Hindi nagtagal ay dahan-dahan niyang nilapit ang kaniyang mukha para halikan ako.
Maglalapit na sana ang aming labi nang biglang may nag salitang epal sa likod namin at sabay namin nilingon iyon. "Sobrang ganda mo kasi kaya na-estatwa na 'yang manliligaw mo."
Lumapit siya sa amin at inakbayan kami. "Tara na sa van. Baka ma-late pa tayo."
At ayon nga ang ginawa namin, lumabas na kaming bahay at sumakay sa magarang van ni Kuya.
Nasa harap si kuya kasama girlfriend niyang si Misty at nandito naman kami sa likod ni Marie.
"Sobrang ganda mo ngayon, bes," sincere niyang compliment sa akin.
Tiningnan ko si Marie at tinaasan siya ng kilay. "So, ngayon lang ako maganda, ganon?"
Tinawanan lang ako ni Marie saka niyakap. "Hindi naman sa ganon. Ang ibig ko lang naman sabihin ay araw-araw kang maganda pero iba kasi ngayon, lalo kang gumanda."
Dahil sa sinabi niya, nahiya tuloy ako. "Bolera ka talaga."
"Hahaha, mahal ka naman."
Takte! Namumula na ata ang mukha ko, kinikilig ako. Pinalo ko siya sa braso pero kahina lang.
"Okay love birds, mamaya na 'yan at nandito na tayo."
Nauna nang bumaba sila kuya pero si Marie, nanatili lang sa pwesto niya at wala pa ata siyang balak bumaba.
"Bes, pwede bang mag-date tayo bukas?" Bigla niyang tanong sa akin.
Date na naman pero bakit biglang nag-iba ang aura nito ni Marie? Ang bigat.

BINABASA MO ANG
Like Them
Teen FictionFirst day of school. sa bawat school year na lumilipas, alam natin na may bago ring nangyayari sa isang estudyante. Ngunit para sa isang grade 12 student, isa lamang itong normal na araw. Sa hindi inaasahan na pagkakataon, may pumasok sa kanilang cl...