Chapter 12
- Kayla Walker -
"Bawal manang sa bahay namin," pagtataray ko sa kaniya.
Sinamaan ko siya ng tingin at feeling ko naman ay tumalab kasi napabuntong hininga na lang siya. May gumuhit na ngiti sa aking labi dahil doon.
"Sige, pero pagkailangan mo ang tulong ko o magbago ‘yang isip mo, mag-text ka lang sa akin." Nakangiting sagot niya sa akin pero napasimangot din kaagad kasi biglang sumingit si Marie.
"Hindi na kailangan. Kasama naman niya ako at kaya ko siyang alagaan."
"Sigurado kaba diyan, Forty?" may halong pang-aasar na sabi ni Anne.
Aba! Ang taray, ha. May pag-irap at pag-crossed arms pang nalalaman itong si Anne. Sorry siya pero mas palaban kaya itong best friend ko.
"Yes, sure ako ron kaya huwag kang makialam sa amin saka anong Forty ka diyan? Nakakarami kana, ah!"
Nako! Naiinis na talaga si Marie, mukhang may magsasabunutan sa harapan ko.
Napaayos ako ng upo at nag-aabang kung ano ang susunod na mangyayari sa kanila.
"Diba apelyedo mo ‘yang Forty saka kung kaya mo nga talaga siyang alagaan," ngumisi si Anne, "bakit kailangan pang umabot sa puntong kinailangan ko siya dalhin dito sa clinic? Kanina mo pa siya hinahawakan at diba best friend mo siya kaya dapat ramdam mo kung nilalagnat siya o ano pa man."
Ahmmm, may tama naman itong si Anne pero ano bang pakialam niya sa akin, bakit kailangan pa niyang kuwestiyunin ang pagiging mag-best friend namin dalawa?
Hindi nakasagot si Marie at napayuko na lang pero kahit nakayuko siya, kita ko iyung luhang nadaloy sa pisngi niya. Nasaktan siya dahil sa mga sinabi ni Anne at ayoko itong nakikita ko.
"Anne, aalis na kami saka hindi naman ako alagain kaya huwag kang OA diyan."
Tumayo na ako saka kinuha iyung mga gamit ko at hinila si Marie palabas ng clinic. Mahirap na, baka kung ano pa mangyari sa loob at ayokong ding nakikita si Marie na nasasaktan. Walang imik kaming naglalakad papuntang parking lot.
Bago pa man niya paandarin iyung makina nong motor niya, bigla ako nakaramdam ng gutom kaya naisipan kong yayain siya mag-McDo.
"Bes, pwede ba daan muna tayo sa McDo. Nagugutom kasi ako."
Tinanguan niya lang ako at tuluyan na ini-start ang motor niya.
Hanggang sa makarating kami sa McDo at hanggang sa makaalis, hindi pa rin niya ako iniimikan.
Mansion
"Sa kwarto ko na lang tayo matulog tapos manonood tayong movie at magkukwentohan magdamag." Saglit akong tumigil sa paglalakad at hinarap siya, "Excited na ako!"
Nginitian lang ako ni Marie at dumeretso sa kusina para siguro magluto ng hapunan namin. Okay, hindi na ako natutuwa sa pagiging tahimik ni Marie. Naiinis na talaga ako sa kaniya. Bumuntong hininga na lang ako at nagpunta sa aking kwarto. Mamaya ko na lang siguro siya kakausapin, papalamigin ko na lang muna ang ulo niya.
Pagkarating ko sa akin kwarto, inayos ko iyung kama, mga DVD at iba pang gagamitin namin para mamaya. Napaisip ako sa mga nangyari sa akin ngayon araw. Hindi naman ako masiyadong minalas dahil na rin sa maghapon akong tulog pero hanggang sa panaginip ba naman, hinahabol ako ni Kamalasan.
Napabuntong hininga na lang ako. Isa pa itong si Marie, nag-aalala na ako para sa kaniya. Ano ba kasi nangyayari sa kaniya. Galit ba siya sa akin kaya hindi niya ako pinapansin o baka naman nagseselos talaga siya kay Anne?
Napailing na lang ako at ibinagsak ang aking sarili sa kama. Magce-cellphone na lang siguro ako para kahit papaano ay malibang at makalimutan itong bumabagabag sa akin.
Busy ako sa paglalaro ng candy crush nang may nag-pop-up sa screen nitong cellphone ko. Wow, may isang unknown number. Sino naman kaya ito?
Pinindot ko iyung open at binasa iyung message.
"Kumusta na pakiramdam mo?" mahinang basa ko.
Ha, sino naman kaya ito? May bigla ako naisip na tao pero sure naman ako na hindi siya iyon. Hindi naman niya alam number ko.
Nag-type na lang ako saka pinindot iyung send.
"Zhino K@ Ph0eZ?" Halos maningkit ang aking mata dahil sa pagngiti ko. Sasakit siguro mata nong makakabasa nito.
Nag-reply agad siya at binasa ko iyon.
"Hahaha, ang JEJE. Si Anne 'to." Nanlaki ang dalawang mata ko at biglang nakaramdam nang kakaibang kaba.
"Waaaaaaahhhhhhhhh!" Napasigaw ako nang pagkalakas-lakas dahil sa nabasa ko. Jusko po! Tama nga ang hinala ko pero paano niya nalaman ang cellphone number ko? Hindi ko naman binigay sa kaniya iyon.
Natigilan iyung pag-iisip ko nang biglang bumukas iyung pinto ng kwarto ko at niluwa non ang humahangos ko na namang best friend.
"BES! ANONG NANGYARI SA ‘YO?" nag-aalalang tanong sa akin ni Marie.
Agad niya akong nilapitan at niyakap nang pagkahigpit-higpit. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin saka tiningnan ang aking kabuuan.
Sa unang pagkakataon, napatitig ako sa mukha niya.
Ang kinis ng mukha niya at walang peklat o pimples manlang.
Mas matangos din iyung ilong niya sa akin.
May eyebags siya pero mas kapansin-pansin iyung pilik mata niya. Ang hahaba at gustung-gusto ko iyon.
Brown din ang mata niya, nakakaakit at may kakaibang kislap.
Bakit ngayon ko lang ito napansin?
Napadako ang tingin ko sa kaniyang labi. Akalain mo nga namang minsan ko na ring natikman ang malambot niyang labi.
Teka, ano ba itong mga naiisip ko?
"Bes, okay ka lang ba? Bakit ka sumigaw?" naguguluhang tanong sa akin ni Marie.
Hala, nakakahiya. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at napapaisip kung gaano ba ako katagal nakatitig sa kaniya.
"Hindi pa ba tayo kakain? Nagugutom na kasi ako," pag-iwas ko na lang sa tanong niya at dahan-dahan lumalayo sa kaniya.
Nako naman, alam ko na kulay kamatis na rin itong mukha ko dahil sa hiya. Nag-uumpisa na naman ako, baka kung ano isipin niya.
"Ahmmm, sige." Lumapit siya sa akin at dahan-dahan na niyakap ako. Pagkatapos ay humiwalay siya sa akin at hinalikan naman ang aking noo.
Natigilan ako dahil sa ginawa niya. Ang sweet at kumalma rin kahit papaano ang puso ko. Hinawakan niya ako sa kamay at naglakad palabas ng kwarto.
Oo, alam ko na hawak niya ang kamay ko. Hinayaan ko na lang siya dahil...
Gusto ko iyon.
"Pagkatapos natin kumain, may sasabihin ako sa ‘yo," sabi sa akin ni Marie.
Gustuhin ko man magtanong pero parang ilayasan ako ng sarili kong boses. Biglang nag-iba rin ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya, kinakabahan na ewan. Basta, hindi ko talaga maintindihan.
Nang makarating kami sa dining area, nakahilera ang paborito kong ulam at naka-set up din nang maayos ang table namin. Lumapit kami ron at pinaghila niya ako ng upuan na madalas niyang gawin kapag kami ay kakain kung saan man.
Lalo tuloy ako na-curious sa sasabihin niya.
Tinanguan ko na lang siya bilang pasasalamat at umupo.
"Bes, galit kaba?"
Tiningnan niya lang ako at bahagya na ngumiti, "Kumain muna tayo."
Pagkatapos non ay tahimik naming pinagsaluhan ang mga niluto niya para sa akin.
______________________________________________________________________
Sayyy yaaahhhh kung may nagbabasa
BINABASA MO ANG
Like Them
Teen FictionFirst day of school. sa bawat school year na lumilipas, alam natin na may bago ring nangyayari sa isang estudyante. Ngunit para sa isang grade 12 student, isa lamang itong normal na araw. Sa hindi inaasahan na pagkakataon, may pumasok sa kanilang cl...