CHA's POV
"Ayan, tanggalin niyo na rin yan...tsaka yan," itinuro ko ang mga paintings na nagkanda basag-basag. Hapon na rin ngayon, at kailangan ko ng umalis sa loob ng isang oras.
Pinasara ko ang shop at pinalinis ito. Bago magtanghali kanina ay hinatid sa presinto ang lalaking may gawa nito. Ayon sa kanya ay wala siyang ibabayad ... Kaya naman, nagsampa ng kaso si Yel.
Crime of vandalism
Hindi kami nahirapan dahil may CCTV footages bilang ebidensya. Ayun, kulungan ang abot niya.
"Unity...?" Pagtawag ko. Agad naman niya akong nilapitan. "Yez, Madame?" Nang-aasar ang tinig niya.
"Pakitawag ang lahat please?" Tinanguan naman niya ako saka dumiretso sa pantry.
"Para saan naman, aber?" Tanong ni Yel na nasa likuran ko pala.
Napabuntong-hininga ako bago ko siya nilapitan. "Gusto ko sanang ipasara itong Nayecherry..." Paalam ko saka ngumiti.
"Ano?!" Nagugulat niya akong pinandilatan ng mata. "Ang tagal nating pinangarap na ipatayo ito tapos bigla mo lang iapapasara?! Bakit, Cha?! Bak—hmm!" Para siyang maiiyak na. Tss.
-_-
Tinakpan ko ang bibig niya. "Ang ingay mo!" Suway ko. "Eh ba't ba kasi ipapasara ito?" Bulong niya. Tss. Baliw. "Aray ko naman!" Hehe. Binatukan ko para manahimik.
"Shunga ka rin eh noh?"
"Tanga! Bakit mo naman kasi ipapasara?!" Sigaw niya.
"B0pl@ks! Dalawang araw lang!" Sigaw ko pabalik.
"T*ng*na ba't naman hindi mo sinabi?!"
"Aray ko, Nayeli ha!" Sigaw ko nang batukan niya ako. "Y*wa!"
>.<
——*——
"Ba't mo sila pinatawag?" Bulong ni Yel ko. Tss. Matino-tino naman na siya ngayon.
Tumikhim ako. "Sasabihin ko sa kanila."
Nandito kaming lahat sa nasira part ng shop, of course, sa dining.
"Uhm....Gusto ko lang sana sabihin na....isasara muna natin nang pansamantala itong shop," ngiti ko.
Nag-umpisa na silang magbulungan. "Guys...Chill! Tatlong araw lang naman. Para kapag binuksan natin ang Nayecherry, it's good as new!" Si Yel.
"Yes, hindi naman tayo pwedeng magbukas nang ganito ang itsura ng shop natin," iginala ko ang paningin ko sa buong shop na ginaya rin nila. At sa huli, sumang-ayon sila
Duh?! Kaming dalawa ni Yel ang Boss dito kaya wala silang magagawa, sa ayaw at sa gusto nila. Mwehehehe.
YOU ARE READING
WIPING TEARS AWAY
Teen FictionNAIVE. That's how I am in love. I thought marriage is meant for me. Perhaps I, we, rushed things?