Chapter 12

7 1 0
                                    






CHA's POV









"BABE! Please, wait!" Pagtawag ni Rem pero hindi ko na siya pinansin. Dire-diretso lang ako sa pagtakbo hanggang sa makaabot ako ng gate.








Nagmamadaling lumabas ako at nag-abang ng taxi.








"Cha, wait!" Nandyan na si Rem sa likod ko.







Humihikbi akong humarap sa kanya. Humakbang siya papalapit at niyakap ako. "I'm sorry. I'm so sorry, Babe..."







Bumitaw ako sa yakap niya. "Hindi mo naman kasalanan eh," ngumiti ako ng mapait. "You even protected me from them..."









Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang mga luhang umaagos pababa ng aking pisngi.









"I love you..."








"I love you too, even if your sister hates me."








"Sshhh," muli niya akong niyakap, hindi inalintana ang dumi sa damit ko. "Soon, she'll accept you, my love..."








Umiling ako. "Never gonna happen. Hindi man nabanggit ng Ate mo pero alam kong kay Emma ka niya gustong ipakasal. Ngayon palang ay gumagawa na siya ng move habang hindi pa natin napag-uusapan ang kasal eh, paano pa kaya pag nagtagal?" Humagulgol na ako.







"I'm so sorry, Babe..." Bumuntong-hininga siya. "I shouldn't have brought you here. I mess everything up, I'm sorry."








I shook my head. "Wala kang kasalanan. I love what you did back there. Thanks for defending me. I love you..."







"I love you most..."








.
.
.
——*——
.
.
.







Si Rem lang ang nagpaalam sa pamilya niya. Ako ay nanatili lang sa loob ng kanyang sasakyan. Hindi ito ang unang beses na ipahiya ako ni Rachelle, pero masasabi kong iba ang isang ito. Noon ay madalas lang siyang magsungit, hindi ko inakalang tinapunan niya ako ng sabaw na iyon.







Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang init at hapdi sa katawan ko dulot ng pagkapaso.







Nasira rin tuloy ang dress ko.







Hindi ko rin inaakalang ginawan pa nila ng malalim na kahulugan ang ginawang paghalik ni Rem sa akin.







Wala namang dalawang segundo eh. Ang OA.








Ang isang simpleng pagsita sa kilos ni Rem ay nagawan nila ng eksena, nagawa nilang palawakin. Pinagmukha nila akong kadiri. Isang  babaeng hindi karapat-dapat para sa isang mayaman.








Naluha ako sa aking naisip.







Isa rin sa dahilan kung bakit hindi namin pinag-uusapan ni Rem ang kasal dahil sa takot ko...








Sa takot ko na baka mas lalong sumama ang trato sa akin kapag naitali na kami nang tuluyan sa isa't-isa.








Bilang girlfriend nga niya ay hindi niya ako matanggap, asawa pa kaya?







Tahimik lang ako pauwi. Nakatulala sa kalangitan.






WIPING TEARS AWAYWhere stories live. Discover now