Chapter 18

6 1 0
                                    


CHA's POV


NANG makarating sa condominium, sa basement mismo, ay naisip kong tawagan si Yel, kaso baka tulog na, at medyo malayo rito ang apartment niya.

Pumasok ako sa building para humingi ng tulong sa guards dito na kakilala ko.

Duh? Hindi ko naman kaya ang timbang ni Rem. I need a helping hand. XD

Hindi naman ako nahirapan dahil willing sila na tumulong.

"Dyan na lang po sa couch, Kuya," bahagya kong itinuro ang couch kung saan ilalagay si Rem. Nagpasalamat ako at binigyan sila ng pang-meryenda.

Umupo ako sa ottoman na nasa tabi lang ng couch saka pinagmasdan ang mapayapang mukha ni Rem.

Nagulat ako nang bigla siyang bumangon. Dumeretso siya sa bathroom upang sumuka. Agad naman akong sumunod sa kanya.

Kinuha ko ang malinis na hand towel na nakasabit mula sa towel bar. Inabot ko sa kanya iyon at agad naman siyang nagpunas.

"I think you should take a cold shower, Babe. Para naman mahimasmasan ka," ngiti ko saka lumabas sa banyo.

Dumeretso ako sa kusina upang magtimpla ng kape. Matapos kong magtimpla ay pumunta ako sa kwarto niya para ipaghanda siya ng damit.

Pantulog na lang siguro.

Inabot ko sa kanya ang kanyang damit mula sa nakauwang na pinto ng banyo. "Thanks, Babe."

"Bilisan mo na. Baka lumamig na 'yung kape mo."

.
.
.

He hugged me right after taking a bath. "I love you," I heard him whispered softly.

"I love you too. Sige na. Drink your coffee."

"What the?!" Asik niya nang tikman ang kape. "May asukal pa ba 'to?!" Masama na ang tingin niya sa tasa.

"Oo naman 'noh."

Inis na tinignan niya ako. "You're kidding. Nakalimutan mo na ba iyong gusto kong timpla?"

"Oy hindi ah. Pinaitan ko talaga 'yan para tuluyan kang mahimasmasan."

"Okay," humigop siya at nagtiis ng pait.

"Naiinitan ka ba, Babe?"

Nag-angat siya ng tingin. Tumango siya saka nagpatuloy sa pag-inom. Bumuntong-hininga ako bago kunin ang remote ng AC at binaba ang temperature.

Hindi na rin ako nagtagal sa unit niya. Nagulat ako nang maabutan ko si Yel sa loob ng unit ko. Para siyang lalaki kung umupo. Naglalaro siya ng COC habang kumakain ng Doritos.

Naligo ako saka bumaba at sinamahan siya sa sala. Imbes na maglaro ng COC ay nagbasa na lang ako sa Wattpad. Wala pang update sa story na binabasa ko kaya naghanap muna ako ng iba.

"Uy, nabasa ko na 'yan!" Turo ni Yel sa phone ko. "Maganda 'yang story na 'yan! Promise!"

"Talaga?"

"Oo! Kawawa nga iyong girl, eh. Kahit naman si boy nasaktan pero mas masakit yung nangyari kay girl," ngumuso siya pero tinaliman ko lang ang tingin ko.

"Spoiler amp," irap ko.

"Tsaka alam mo ba, si girl namat—hm!"

Sa inis ko ay sinubuan ko si Yel ng chips habang nagsasalita siya. "Ewan ko sa'yo," sumama ang mukha ko saka pumunta na lang sa kusina upang mangalkal ng pagkain.

"Eto naman! Ang bitter ng peg mo!" Sumunod siya sa akin. Dumeretso siya sa ref at kumuha ng isang soda in can. Nilagok niya iyon nang nilagok, na animo'y uhaw na uhaw.

WIPING TEARS AWAYWhere stories live. Discover now