PROLOGUE

23 4 0
                                    

"I don't remember falling in love with you. I just remember holding your hand and realizing how much it was going to hurt when I would have to let go."


—*—

Isang buwan na ang nakalipas magmula nang mangyari ang trahedya sa pagitan naming dalawa.
Hanggang ngayon ay ramdam ko ang kirot. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang doon na matatapos ang lahat. Hindi ko matanggap. Hindi ko kaya.

Nakatitig na lang ako sa labas ng bintana.

Ano bang kulang sa akin? Naibigay ko naman ang lahat, ah? Hindi pa ba sapat iyon? O dahil sa pagkakaiba ng estado namin sa buhay?

Hindi ko alam...litong-lito na ako.

Maya-maya pa'y pumasok si Yel sa kwarto ko, dala ang isang tray ng pagkain. Nang magtama ang paningin namin ay napaiwas ako.

"Cha...kumain ka naman na, oh. Pakiusap...nanghihina na ang katawan mo. Hindi ka man lang lumalabas."

Tama siya, nanghihina na nga ang katawan ko. Kaunti na lang ay magiging buto't balat na ako.

"Bakit ganon?" Napatulala ako sa bintana. Sobrang lakas ng ulan. Sa tingin ko ay may bagyo, at nakikiisa ito sa damdamin ko. "Kung kelan bigay na bigay na ako, kung kelan buong-buo na ako, saka pa nawasak ang lahat?" Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng mga luha ko.

Napabuntong-hininga siya saka dahan-dahang lumapit sa akin at niyakap ako. At dahil doon, napahagulgol ako.

"Yel...hindi ko na kaya," bulong ko. "Hindi ko na kaya..ang sakit-sakit na."

"Sshhh... magiging maayos din ang lahat. Trust me. It will take days or weeks..pero lilipas din 'yan. And sooner or later... matututunan mong mamahalin ang sarili mo ng higit pa sa kahit kanino at kahit ano."

—*—

WIPING TEARS AWAYWhere stories live. Discover now