CHA's POV
TUMATAWA kami ni Gerald nang may kumalabit sa akin mula sa likuran saka bumulong. "Miss Cherry. Kailangan na po kayo para sa grand entrance ni Sir Rem."
Yung organizer pala ng party.
"Sige, sunod na ako," ngiti ko saka humarap kay Yel na ngayon ay nakabusangot na.
"Oh, pano ba 'yan?" Kay Gerald ako bumaling. "Kailangan na ako ron. Ikaw na bahala sa best friend ko, ah?" Ngumisi ako. "Hinay-hinay ka nga lang, baka maihi ito sa kilig—Aray!" Angil ko.
Kinurot ako ng bruha.
"Shut up, Rivera," umirap siya, nagba-blush pa rin. Hehe.
"Shut up, Mendez!" Ginaya ko ang tono niya saka nag make face. Mas lalo siyang bumusangot. Lumayas na ako ron bago pa ako mabatukan ng bruha.
Nadatnan ko si Rem na nag-aayos kaya agad ko siyang nilapitan upang tulungan. "Akin na 'yan," inayos ko ang necktie niya.
Pinandilatan ko siya ng mata nang ngumisi siya. "Can't wait to see you do this everyday."
Hinampas ko siya sa dibdib saka umirap. "Ewan ko sa'yo. Ba't pala ako kailangan dito?" Pang-iiba ko ng topic.
"You're my date tonight."
"So?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Don't tell me na escort mo ako?"
"Ganon na nga," inakbayan niya ako.
"Ako?" Tinuro ko ang sarili. "Itong ganda kong 'toh? Pang-escort lang? Huh! You wish, Remington," humalukipkip ako.
"Kung ayaw mo, willing naman ako," sulpot ng abubot. Oh well, si Emma...opkors!
"What do you think of my dress? Pinagawa ko pa ito sa US, just for this event," Ngumiti siya kay Rem. Napairap tuloy ako saka iniyakap ang isang braso sa bewang ni Rem.
Napataas ang kilay ko nang makita ang suot niya na halos ilabas hanggang kaluluwa niya.
"That's what you call...what? A dress?" Sagot ni Rem kaya mahina akong napahagikgik.
"Sana hindi ka na lang nagdamit, total wala namang pinagkaiba," I shot my infamous smirk. "At sana sa susunod ay sabihin mo sa designer niyang damit mo o kung matatawag bang damit 'yan na magdagdag ng tela dahil mukhang naubusan ka."
Eh pano ba naman? See through na nga, backless pa.
Tinignan ako ni Emma, hindi makapaniwala. "Gosh! This was made with expensive fabrics!"
"Wala akong pake," tinaasan ko siya ng kilay. "Iyang mukha mo, halatang makapal ang kolorete. Pwede bang sa susunod ay tela ang dagdagan mo at hindi kolorete? Sa itsura mo ngayon, para ka lang may photoshoot sa beach."
Natawa si Rem na ikinainis ni Madame Emerald. HAHAHAHA.
"Sa susunod ay mag-bikini ka na lang. Nahiya ka pa," umirap ako.
Marahan akong iginaya ni Rem palabas. Nang madaanan ko si Emma ay may sinabi pa ako sabay kindat. "Oh well, point for me, Miss Emerald Lee."
Nang malagpasan namin siya ay mayroon pa siyang sinabi pero hindi ko na pinansin ang gaga. Not worth my time.
Habang nasa hallway ay kinuhanan kami ng pictures nung photographer.
Ang isa sa mga pose namin ay nakaakap ang kaliwang braso ko sa bewang niya at ang kanan naman niya ay sa bewang ko and then we kissed.
Ginawa kong profile pic iyon sa IG ko. Ganoon din siya.
"Ano palang gagawin ko?" Tanong ko sa kanya pagkatapos namin magpapicture.
YOU ARE READING
WIPING TEARS AWAY
Teen FictionNAIVE. That's how I am in love. I thought marriage is meant for me. Perhaps I, we, rushed things?