Chapter 22

12 1 0
                                    

CHA's POV

Hindi ko na napatapos pa ang movie dahil kinailangan kong umalis. May ka-meet up kasi ako sa isang restaurant na malapit lang dito sa condominium.

By the end of this month kasi ay ipapa renovate namin ang Nayecherry. Palalagyan din namin ng 2nd floor iyon at drive thru.

Isang architect ang ka-meet up ko ngayon.

Mataas ang kinikita ng Nayecherry on a regular basis. Kaya afford namin ni Yel ang pagpaparenovate nito. May nakuha na rin kaming engineer. Fixed na rin ang mga materyales na kakailanganin. Papalitan na rin namin ang chairs at tables. Babaguhin din ang interior design.

Bago ako umalis ng unit ni Rem ay siniguro kong may pagkain siya para may makain sakaling makaramdam siya ng gutom. Hindi naman ako magtatagal pero mabuti nang sigurado.

Alas-nuebe nang makarating ako sa resto. Wala pa ang architect, mabuti na lang. Ayaw ko namang magpaka-VIP.

"Good morning, Ms. Reyes," tumayo ako at nakipagkamay sa kanya.

"So, you're Miss Cherry Rivera?"

Nakangiti akong tumango. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at inilahad na agad sa akin ang blueprint. Approval ko na lang daw ang kulang bago iyon ibigay sa Engineer.

Matapos ng meeting namin at dali-dali kong binalikan si Rem. Naabutan ko siyang kumakain sa kusina ng niluto kong bulalo.

"Babe," sinalubong niya ako ng halik sa labi. "C'mon. Let's eat," inalalayan niya akong umupo saka ipinaghain niya rin ako ng pagkain.

"Masakit pa ba ang ulo mo?" Tanong ko.

He chuckled. "I bit. But I feel so much better than last night."

Nagsimula na akong kumain. "Anong lasa? Masarap ba?" Pangungunsulta ko sa aking niluto.

"It's very masarap," he smiled childishly and ate a mouthful of rice.

Cute.

Nakatitig lang siya sa akin habang ngumunguya ako. Natigilan ako nang pinusan niya ang gilid ng labi ko.

Nginitian ko siya saka nagpatuloy.

Ako na ang nagligpit ng hugasin kahit nagpupumilit siya. Nang pumasok ako sa kwarto niya ay mahimbing na siyang natutulog...

Or so I thought...

Lumapit ako sa kanya at laking gulat ko nang hilain niya ako pahiga sa kanyang tabi. "Oh! Rem, ano ba?!"

"Let's sleep," he whispered.

"May gagawin pa ako..."

"But I want you beside me," ngumuso siya saka ako niyakap.

"Babantayan naman kita, eh. May gagawin lang ako a laptop. D'yan lang ako sa couch," nginuso ko ang gawi ng couch na nasa gawing likuran niya.

"Please?" Nagpuppy eyes siya kaya wala na akong nagawa.

"Okay, fine. Let's sleep na."

Iyon ang sinabi ko pero hindi talaga ako natulog. Nang mahimbing siya ay dahan-dahan akong bumangon saka dumiretso sa couch at kinuha ang laptop ko sa nasa ibabaw ng coffee table. Saka ko sinimulan ang paperworks ko.

Nang makaramdam ng antok ay nagtimpla ako ng kape saka bumalik sa kwarto. Sa carpet ko na naisipang umupo at ang kape at laptop ko ay nasa ibabaw ng coffee table.

Nang mag-alas-dos ng hapon ay ginising ko si Rem upang uminom ng gamot.

Tinawagan ko si Yel at kinumusta ang shop. Maraming tao, as usual, pero keri naman daw.

WIPING TEARS AWAYWhere stories live. Discover now