KRIS' POV
Hello po sa inyong lahat! *O*
Hahaha.
Ang pangalan ko ay Chrissie, pero Kris na lang ang itawag niyo sa akin hehe. At oo, isa akong empleyado ng kompanya ng mga Velasco. Mataas naman kahit papaano ang sahod ko. Sulit ang harot, este pagod sa opisina.
Charot. Oy hindi ako maharot ah.
Anyways, napasimangot ako nang tinawanan ako ni Cha. Dumampot ako ng panibagong slice ng lemon saka sinalpak iyon sa bunganga niya habang siya'y tumawa.
Humagalpak ako sa tawa habang nakatingin sa reaksyon niya.
"Pwe!"
Hinampas niya ako sa braso. "Grabe ka ha!" Sumama ang mukha niya.
"'Yan, tawa pa, sis. Tawa pa," humagikhik ako saka nagshot pa ng isang beses.
"Guys, pulutan oh," ang paalam ni Lucy ay cupcakes, pero bumalik siya nang may dalang aristocrat style chicken barbeque.
Natikman ko na ito kanina pero mukhang nakakatakam pa rin.
"Wow naman," tumayo ako at naghugas ng kamay sa sink na malapit lang dito. Sumunod naman silang dalawa.
"Buti na lang at nag-imbita si Roger, narelax tuloy ako kahit papaano," kumuha ako ng isang manok saka kinagatan iyon.
"Syempre, hindi naman niya hahayaang hindi ka invited. Hindi nga niya friend nandito, e, ikaw pa kaya?" Ani Lucy. "Anong lasa?" Baling niya kay Cha na ngayon ay pinagmamasdan ang manok na hawak habang ngumunguya.
"Masarap," ngiti niya saka muling kumagat.
"Hindi ka ba niyan kumain kanina?" Tanong ko.
Inosente niya akong tinignan saka napahinto sa pagnguya. "Hindi, si Rem ang sumandok ng pagkain ko kanina, e," ngumuso siya saka nagpatuloy.
Malakas na bumuntong-hininga ako para marinig nilang dalawa. "Hay nako. Yung tipong mapapa- 'sana all' ka na lang, e," inilingan ko sila.
"Ikaw, malamang sinasandukan ka rin ng asawa mo," turo ko pa kay Lucy. Tinawanan nila ako.
"Hayaan mo, darating din yang Mr. Right mo para ipagsandok ka," pigil amg tawang wika ni Cha.
"Kahit nga may boyfriend siya noon, hindi pa rin siya ipinagsasandok, e," sabi ni Lucy na nagpasama sa mukha ko.
"Baka nga hindi pa siya si The One. Baka papunta na, pfft!" Si Cha. Hmmp!
"Oh, eh, nasaan na yung 'The One' aber?" Nang-aasar na tinig ni Lucy.
"Baka natraffic sa EDSA?" ngisi naman ni Cha.
"Baka naman mamaya ay hindi pa siya nag-'go' sa green light?" Gatong ni Lucy....
na sinundan agad ni Cha. "Hala! Baka madisgrasya siya, beh! Sayang ang grasya!" Saka sila tumawa ng pagkalakas-lakas.
Hindi na siguro maipinta ang mukha ko sa pagkasimangot.
"Grabe kayo sa'kin ah! Porque may papable kayo? Hmmp!"
Hindi sila natigil. Hindi yata ako pinakinggan.
"Tumigil nga kayo!" Ngumuso ako.
Natigil nga sila, pero dahil iyon sa ringtone ng phone ko. "Sino 'yan?" Agad na usisa ni Cha, natatawa pa rin, pero slight lang.
"Jowa ko!" Ngumisi ako saka hinugot ang phone ko sa purse. "Sabi sa inyo, e," sambit ko kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang caller.
"Wala ka namang jowa!" Asik ni Cha.
YOU ARE READING
WIPING TEARS AWAY
Teen FictionNAIVE. That's how I am in love. I thought marriage is meant for me. Perhaps I, we, rushed things?