CHA's POV
TULOY-tuloy ang pagdaloy ng mga luha ko habang nakatitig ako sa singsing.
Sinundo kami ng isang...
Limousine?
Napanganga ako sa ganda ng loob niyon. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakasakay ako sa ganoong kagarang sasakyan. Habang pauwi sa hotel ay hindi ako mapirmi sa kinauupuan ko. Kung ano-ano ang kinakalikot ko roon.
Kaya naman, si Rem ay tahimik akong tinatawanan sa tabi. Sumama ang mukha ko saka siya tiningnan ng masama.
"What?" Inosenteng aniya.
"Ba't mo ko pinagtatawanan?" Taas-kilay kong tanong.
He chuckled once again. "I just think you're cute."
Duh? Syempre, hindi ako kinilig. Ikaw kaya pagtawanan ng pinakamamahal mo?
Pasiring kong inalis ang paningin ko sa kanya saka humiga. Pero agad ding bumangon. Ganon talaga pag kiti-kiti.
Nang makarating kami sa hotel ay nagtaka ako kung bakit ibang floor ang pupuntahan namin.
"Rem, sa 26th floor ang room natin. Ba't nasa 30th na tayo?"
"Just wait and see," ngisi niya saka ako hinawakan sa kamay bago lumabas ng elevator.
Pinanlakihan ko siya ng mata nang huminto kami sa tapat ng isang kwarto. "Remington, this is not our suite. Halika na," hihilain ko na sana siya ng buksan niya ang suite na iyon.
Sumilip ako sa loob pero wala akong makita dahil sobrang dilim doon.
Nagulat ako nang hilain ako ni Rem papasok at isinara ang pinto.
"R-Rem...a-anong ginagawa n-natin d-dito? Uy, halika naaa," bulong ko.
Matunog siyang ngumisi saka binuksan ang ilaw.
"SURPRISE!!!"
There are confetti everywhere.
"Congrats!"
"Whoo! Congratulations!"
Nagulat ako nang makita sina Yel, Kris, Lucy, Tita Kamila, Tito Eugene, Don Rafael, Gerald, Roger. Nangilid ang mga luha ko nang makita ang kapatid ko na si Gio, pati sina Nanay at Tatay ay narito.
Lumuluha akong lumapit sa pamilya ko at niyakap sila nang mahigpit. Pinalibutan nila akong tatlo.
"Masaya ako para sa iyo, Anak," bulong ng Nanay ko.
Napahagulgol ako. "Nahanap mo na rin sa wakas ang bubuo sa buhay mo," ani Tatay dahilan upang mangiti ako.
"Congratulations, Ate. I love you," malambing na wika ni Gio. Mas tumindi ang pagluha ko.
"Miss na miss ko na kayo..." Napaamang ako nang makitang pinapanood pala kami ng mga naroon.
Kumalas ako sa pamilya ko saka lumapit kay Yel upang yakapin siya.
"Saglit na panahon na lang..." Humugot siya ng isang malalim na hininga. "Tuluyan ka nang matatali sa kanya..." Pigil ang luha niyang sabi. "Congrats, Bestfriend..."
Maya-maya'y lumapit na sa amin sina Kris, Unity, at Lucy.
Si Rem ay naroon sa pamilya niya. Ang mga kaibigan niya ay inaasar siya. Hindi na ako magtataka kung bakit wala rito ang Ate niya.
YOU ARE READING
WIPING TEARS AWAY
Fiksi RemajaNAIVE. That's how I am in love. I thought marriage is meant for me. Perhaps I, we, rushed things?