CHA's POV
May 14, 2015
"Hello, Singapore!" Malapad ang ngiti kong nilibot ang paningin sa paligid. "Ang ganda," bulong ko.
"Hey," nandyan na si Rem sa likod ko. Kalalabas lang namin sa airport. "Tara na sa hotel, Babe."
Siya na ang nagbitbit ng mga maleta namin. Ako naman ay busy sa pagkuha ng pictures.
"Babe, selfie tayo, dali!"
Bago kami sumakay sa taxi ay nagselfie muna kami. Pinost ko iyon sa IG story ko. Nakangiti akong pumasok sa taxi.
Nag-DM ako kay Yel na nakarating na kami. Hindi siya online kaya tumawag na lang ako.
.
.
."Wow, ang ganda nitong kwarto," dahan-dahan akong lumapit sa isang kama saka umupo roon.
Nakangiting humiga ako ron. "Parang bigla ata akong inantok sa lambot nito," bungisngis ko.
"Mamaya ka na matulog, Babe. Let's enjoy the country. But let's eat first."
.
.
."So, saan tayo unang pupunta?" Tanong ko habang kumakain kami.
Natawa siya. "Hindi muna ba tayo magpapahinga?"
Sumimangot ako. "Ikaw, ang gulo mo rin kausap, eh, 'noh? Kanina, ang sabi mo, enjoy muna. Tapos ngayon, pahinga? Ano ba talaga?"
"Let's go to the Merlion Park," he chuckled.
.
.
."Ang ganda rito, Babe..." Halos mapanganga talaga ako. Ang ganda. Medyo maraming turista pero ayos lang iyon.
"Pictur-an kita," ngiti niya. Nang humarap ako sa kanya ay nakahanda na ang camera niya.
Nagpose naman ako agad. "Oh, sa phone ko rin," sumunod naman siya. Pati sa phone niya pinicturan niya ako.
"Ikaw naman," kinuha ko ang camera niya upang kuhanan siya. Sumunod ay kinuhanan ko naman siya sa phone ko. Ipasa ko na lang kanya mamaya.
Natawa ako ng nilapitan niya ang isang stranger para makiusap na kuhanan kami ng litrato. Hindi naman nagreklamo ito. Nang matapos ay pinasalamatan namin siya at nagpaumanhin sa pang-aabala.
Pinost ko sa IG ang pics namin. Ang iba ay sa IG story.
Sinilip ko ang ginagawa ni Rem sa phone niya. Nangiti ako nang makitang pinapalitan niya ang home screen wallpaper niya. Picture ko iyon, yung solo ko kanina. Pinalitan naman niya ang lock screen. Iyong kaming dalawa naman.
.
.
.Naglunch muna kami bago pumunta sa Universal Studios. "Tara, rides tayo!" Sobrang lapad ng ngiti ko.
"Saan mo gusto?"
"Sa enchanted airways!" Saka ko tiningala ang ride na iyon.
"Okay. Let's go."
.
.
."That. Was. Fun!"
Napaamang ako nang makitang tatawa-tawa si Rem habang may tinitignan sa camera niya. Sumama ang mukha ko nang makitang picture ko iyon.
Stolen na nga, bad shot pa!
"Burahin mo 'yan!" Pilit kong inabot ang camera niya.
"Ayoko nga," tumatawang inilayo niya camera sa akin. Mas lalo akong napasimangot nang kuhanan niya ulit ako ng litrato.
YOU ARE READING
WIPING TEARS AWAY
Teen FictionNAIVE. That's how I am in love. I thought marriage is meant for me. Perhaps I, we, rushed things?