CHA's POV
Bago pa ako humikbi ay nilisan ko ang lugar na iyon. Tulala at lumuluha.
Nagtaka sina Yel at Unity nang umiiyak akong bumalik sa Nayecherry. Natural, sobrang saya ko nang magtungo ako ron pero ngayon...haaay.
Sobrang sakit...para akong pinagtaksilan...pero sa paningin ko, pagtataksil ngang talaga iyon.
YEL's POV
Sobra akong nag-aalala kay Cha. Kanina ay abot langit ang ngiti niya. Wala pang isang oras nang umalis siya. Hindi na ako magtataka kung may nangyaring hindi maganda.
Sa ngayon ay hindi ko muna siya uusisahin. Hinaplos-haplos ko lang ang likod niya. Si Unity ay naroon sa kaliwa niya. Lahat kami ay nakaupo sa couch dito sa opisina ni Unity.
Nanlaki ang mga mata namin ni Unity at nagugulat na tinignan ang isa't-isa nang tumawa ng mahina si Cha. Naroon ang pait, lalo na sa ngiti niya.
Pareho naming pinagmasdan si Cha.
Hanggang ngayon ay patuloy siyang tahimik na lumuluha.
"Bakit ganon?" Mahina iyon, yung tipong bulong lang. Pero dahil sa tutok kami sa kanya at walang ingay dito sa opisina bukod sa AC ay nagawa naming marinig iyon.
"It was just a kiss, but it felt like a betrayal," muli kaming nagugulat na nagkatinginan ni Unity saka kami ulit bumaling kay Cha na deretso lang ang tingin.
"A kiss that could tear me apart," ayun na naman ang sunod-sunod niyang luha.
"Narinig niya kaya iyong 'honey' na itinawag sa kanya ni Emma kagabi? Nagustuhan niya ba iyon? Eh yung halik kaya? O baka naman ginawa nila iyon dahil hindi ko siya nahalikan kagabi?"
Wala kaming ideya sa pinagsasabi ni Cherry. At dahil wala kaming alam ni Unity, nanlulumong pinagmasdan na lamang namin ito.
Napasinghap kaming dalawa ng lingunin niya kami. "Ano sa tingin niyo?" Mapait ang ngiti niya. Umatras siya at sinandal nang komportable ang sarili niya, kami naman ay umurong paabante at saka humarap sa gawi niya.
"H-Hindi namin alam, Cha," ani Unity. "Hindi namin alam ang nangyari eh."
"Bakit nga ba umiiyak ka? Tyaka...a-ano iyong sinasabi mong h-honey...tapos...k-kiss? Saka si Emma, bakit mo siya binabanggit?"
Si Emma ang nag-iisang babaeng pinagseselosan ni Cha. Highschool pa lamang kami ay naghahabol na iyon kay Rem. Unfortunately, ayaw sa kanya.
Nagkwento si Cha. Mula nung iabot sa kanya ni Rem ang sariling phone, nung nagreply siya dun sa Roger, nung nagchat si Emma, nung tumawag ito, nung sinabihan niya ng honey si Rem, at hanggang sa nakita niya ang mga itong naghahalikan sa loob ng opisina ng kanyang nobyo.
Saglit namin siyang inalo saka kami bumalik sa trabaho. Pinagpapahinga muna namin si Cha pero tumanggi siya. Inabala niya ang sarili sa pagtatrabaho. Sinamahan ko siya sa pagbenta ng ice cream. Maraming bumibili kaya dalawa kaming nag-scoop.
YOU ARE READING
WIPING TEARS AWAY
Fiksi RemajaNAIVE. That's how I am in love. I thought marriage is meant for me. Perhaps I, we, rushed things?