CHERRY's POV
Tapos na akong mag-ayos nang gamit ko nang pumasok sa office si Rem. "Ready to go?"
"Yeah. Tapos na ako, tara na," sinara ko na ang bag ko at magkahawak-kamay kaming lumabas.
"Oh, Kuya Wil, kayo na po bahala rito ah?" Ngiti ko.
"Yes, Ma'am. Ingat po kayo pauwi," ngumiti siya pabalik.
"Ingat din po kayo. Goodnight," nagpaalam kami ni Rem at tuluyang sumakay sa kotse.
"Gusto mo ba ipagluto kita ng dinner?" Alok ko.
"Sure, Babe. You can...but in my place," nakangiting aniya nang nakatingin sa daan.
"Whoa. Ang ganda ng unit mo..." Sambit ko at nilibot ang paningin sa buong unit. Magarbo ang disenyo nito. Parehas man ng condominium building ang units namin pero...
Napakaganda ng interior design ng kanya. Samantalang ang akin ay simple lang. Halatang mamahalin ang mga gamit niya, ang akin ay hindi. Well, hindi naman sa cheap ang mga iyon, pero hindi rin naman ganoong mamahalin.
"Woah, the city... it's wonderful..."
He hissed and chuckled, "We almost have the same view. Mine is this way and yours is that way," itinuro niya ang harapan kung nasaan ang view ng city at ang likuran kung saan ang gawi ng view ko mula sa aking unit.
"Hindi ko masyado binubuksan ang kurtina sa unit ko eh," tumayo ako mismo sa harapan ng glass wall at pinagmasdan ang magandang tanawin ng lungsod.
"I love it..."
"Oh, magpalit ka na ng damit. I'll cook na," naka- corporate attire pa kasi siya.
Nagluto ako ng pasta. Madalian lang iyon dahil pareho pa kaming may trabaho bukas. Hindi naman ako nahirapan sa mga gamit niya sa kusina dahil inalalayan niya ako.
Nang mag-quarter to eleven ay tumawag ako kay Yel upang i-check siya.
"Hello?"
"Yel, kumain ka na ba?"
"Yez yow! Tapos na. Yieee concern ka pala ha?"
I rolled my eyes. "Tss. Kailan pa ako nawalan ng concern sa'yo?"
Natawa siya. "Aba'y malay ko ba?" Biro niya. Maliwanag sa pandinig ko ang matunog niyang paghikab.
"Bakit nga ba gising ka pa ha?"
"Kaliligo ko lang eh. Mainit, ayaw ko naman magka-stroke 'noh. Saka...masarap pala sa feeling ang bagong ligo 'noh?" Tinawanan niya ng malakas ang sariling biro. "Araw-arawin ko kaya?"
Rinig ko ang pagsindi niya sa blower. "Sige na...bye na..."
Pinatay niya ang blower. "Huh? Ano kamo?"
YOU ARE READING
WIPING TEARS AWAY
Teen FictionNAIVE. That's how I am in love. I thought marriage is meant for me. Perhaps I, we, rushed things?