Chapter 14

7 1 0
                                    


CHERRY's POV






Nang marinig ko ang boses ni Rem ay humarap ako sa kanya.





"Oh, hi Babe!" I smiled. "You never said you'd come..."





Tuluyan siyang lumapit upang humalik sa akin. "Yeah, I came to fetch you. Still busy?" Hinawakan niya ang mga kamay ko.





"No...just having a little chitchat with uh..," humarap ako kay Gerald saka muling bumaling kay Rem. "Friends daw kayo? According to him..."





"Hm?" Lumingon siya kay Gerald. "Oh! Chan!" Lumapit siya rito.



Chan?




"Dre!" Masayang bati ni Gerald.




Umupo si Rem sa tabi ng kaibigan. "What're you doing here?"




"Obviously, drinking coffee," sinenyas ni Gerald ang kape niya saka umirap. Sabay silang natawa.





Ako naman ay bumalik na sa kaninang kinauupuan ko.




"Halatang close sila 'noh?" Bahagyang nilapit ni Yel ang kanyang bibig sa aking tenga upang ibulong iyon.





Nagkibit-balikat naman ako.





"Kumusta? Kaya pala busy ka nung nakaraan kasi nakikipaglandian ka ah!"





Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Gerald.




WTF?




Alam kong iyong gabi na pumunta siya sa condominium ang sinasabi niya.





Minura siya ni Rem kaya natawa ako. "Single ka lang eh," pambabara ni Rem. "Maghanap ka na kasi, 'dre! Ang hina naman charms mo!" Parang asong ngumisi ito.




Nagugulat na tumawa si Gerald saka mahinang siniko ang kaibigan. "Ayos ka rin eh! Nabingwit ka lang ng maganda, ang yabang mo na! Mas gwapo kaya ako sa'yo," nagpogi sign pa siya na ikinatawa nami ni Yel.





I'm glad na nawawala ang pagkaseryoso ni Rem sa tuwing kasama niya ang mga kaibigan niya.





Rem hissed. "Tsk! Anong ikaw? Ako!" Tinuro niya ang sarili.




Ngumiwi si Gerald. "Ang kapal mo ah! Marami kayang naghahabol sa akin na chix!"




"Marami? Eh? Asan na?" Luminga-linga si Rem sa paligid, nang-aasar.





Sumama ang mukha ni Gerald. "Ang lakas mong gumanyan kasi may jowa kang g*go ka..."




"Tss. Mas g*go ka kaya."





"Ano?!" Mas lalong sumimangot pero halatang nagbibiro lang. "Grabe ka, Velasco, ah! Kotongan kita, e!"






Patuloy lang sa pag-aasaran ang dalawa. Kami naman ni Yel ay gumawa na ng sarili naming mundo.








"Gusto mo ba magluto ako ng dinner? Medyo maaga pa naman eh," tanong ko kay Rem habang naglalakad kami sa lobby papunta sa elevator.




"Sure, Babe. I'd love that," inakbayan niya ako bago kami sumakay sa elevator.





Ano kayang iluluto ko? Tanong ko sa sarili habang nakatitig sa elevator floor display panel.

WIPING TEARS AWAYWhere stories live. Discover now