CHA'S POV
Sa huli ay sabay kaming umuwi ni Rem. Ang sabi niya ay siya na raw ang bahalang mag-uwi ng aking sasakyan bukas. Napapayag niya rin akong sumama sa kanya.
Nagsuot ako ng white ruched mesh bodycon midi dress and white ankle strap heels.
"You look gorgeous," aniya nang sunduin ako sa unit.
Medyo maaga pa kaya hindi kami nagmadali. Pagkasakay namin sa kotse niya ay tumawag sa akin si Tita Kamila.
"Hi, Tita."
"Hija! We are having a dinner here at the villa. I asked Rem to bring you with him. Where's he?"
Tumingin muna ako kay Rem. Malapad ang kanyang ngiti. "Uhm, I'm with him po, Tita."
"Oh, good. See you later!" In-end na ni Tita ang call.
"Ang akala ko ba ay sa labas tayo kakain? Sa Villa niyo pala," bumaling ako kay Rem. Nagkibit-balikat lang siya.
Sinindi niya ang makina ng sasakyan saka humarap sa akin. Humalakhak siya. "I requested it. Matagal na magmula n'ong makapunta ka r'on. And I thought, you'd like it if we go there."
Nanlaki ang mga mata ko sa excitement. "Oh my gosh! Thank you, Babe!" Bahagya akong napayakap sa kanya.
"What're you waiting for?! Let's gooo!"
Nang marating namin ang Villa ay sinalubong kami ng pamilya niya. Hindi na ako nagtaka nang makita ron si Emma at ang Daddy niya. Pero siya, nagulat sa presensya ko.
"So, kumusta na kayo ni Cha?" Nagulat ako nang magtanong si Tito Eugene habang kumakain kami.
"We're...in love."
Parang may bumara bigla sa lalamunan ko. Narinig kong bumungisngis si Tita Kamila, animo'y kinikilig. Si Emma ay panay ang ikot ng mata.
"Aww, love birds..." Napakamot ako sa batok ko nang magsalita si Don Rafael. "Kailan niyo ba balak magpakasal?"
Tinignan ako ni Rem. "I can marry her the first thing tomorrow if she wants to," ngumisi siya. Ako naman ay nag-iwas ng tingin.
Nang masulyapan ko sina Emma at Rachelle ay matalas na ang kanilang paningin. Well, nasa harapan ko si Emma at katabi niya si Rachelle na katapat si Rem.
"Napag-usapan niyo na ba ang tungkol sa bagay na iyan?" Nagbibiro si Tita na sineseryoso ang sinabi ni Rem.
"Hindi pa po, Tita," sagot ko.
"Oh, Mom! Kailan pala ang pasok ni Emma sa company natin?" Nakangiting ani Rachelle, halatang iniiwas na niya ang usapin dahil nandito si Emma.
"Oo nga pala," humarap si Tita kay Rem. "Emma will be working under our company. She'll work under the Department of Finance to be specific."
"What?!" Nagugulat na angil ni Rem. Kahit ako hindi makapaniwala. Kailangan ba talagang ilagay pa siya sa Department na ang President ay si Rem?
YOU ARE READING
WIPING TEARS AWAY
Teen FictionNAIVE. That's how I am in love. I thought marriage is meant for me. Perhaps I, we, rushed things?