Chapter 19

4 1 0
                                    

CHERRY's POV

May 13, 2015

EXCITED akong bumangon dahil ngayon ang uwi ni Rem. Naligo at nag-ayos muna ako bago pumunta sa kanya. Para diretso na ako sa shop.

Kahapon niya sa akin nabanggit na pauwi na siya. Hindi ko pa sure kung nakauwi na nga siya dahil wala pa siyang update at hindi ko siya ma-contact. At ang sabi niya, huwag ko na lang siya sunduin.

Edi... okay.

Natigilan ako nang makita ko si Emma na nasa harapan ng pinto ng unit ni Rem. Nakatalikod siya sa akin.

"Okay. Let's see if this works..." Dinig kong bulong niya niya.

Nakita ko kung paano niyang tinype ang pass ni Rem. Kumalabog ang dibdib ko nang nabuksan nga niya ang unit.

"Emma? What're you doing here?" Boses ni Rem iyon na nanggagaling sa loob.

"Oh, hi Rem!" Masayang bati ni Emma saka isinara ang pinto nang hindi lumilingon sa gawi ko.

Parang piniga ang puso ko. It's just a passcode, Cha!

Pinigilan ko ang pangingilid ng mga luha ko. Ano ba, Cherry! Umayos ka nga!

Huminga ako ng malalim saka nagdoorbell.

Nagugulat akong pinagbuksan ang Rem. "B-Babe..." Lalapit sana siya para bigyan ako ng yakap pero kusa akong lumayo.

Ngumiti ako nang mapait. "Andito ka na pala...hindi mo man lang ako sinabihan," at oo, nagtatampo ako.

"Sorry, nawawala kasi ang phone ko, Babe, e. Makikitawag sana ako kay Roger kanina kaso..."

"Oh, Rem, no!" Sigaw ni Emma. Lumapit siya sa amin saka inabot kay Rem ang phone niya. "Hi, Cha!" Maganda ang ngiti pero ikinainis ko iyon.

"You left this in my car last night. That's the reason din why I'm here," ngiti ni Emma saka umupo muli sa couch.

"Her car, huh?" Masungit na ani ko. "Kaya ba hindi ka nag-update sa akin? Kaya hindi ka nagpasundo kasi kasama mo siya?"

"Babe, it's not what you think it is."

"Oh really? So, kapag ba alam ko ang pass mo kailangan siya rin?"

"Babe, hindi ko alam kung paano niya nakuha..." Nag-aalalang wika niya.

I frowned. "Hindi mo alam? Ayos ka rin eh, noh?"

Hahawakan niya sana ang kamay ko ng iiwas ko ito.

"I gotta go. Enjoy," sarkastikong sambit ko saka siya tinalikuran at naglakad palayo.

.
.
.

"Yel...I don't even know if that's a big deal..."

Nagsabi ako sa bestfriend ko, sa part lang muna nang buksan ni Emma ang unit. Kanina pa kami rito sa office. Baka wala na kaming matrabaho dahil sa akin.

"It is, Cha. Listen, privacy ni Rem ang mai-invade niya dahil nga sa alam niya ang pass. Well, I don't consider it as trespassing or invasion kung talagang ibinigay ni Rem ang kanyang pass kay Emma."

"Eh...yung phone?"

"Anong phone?" Kumunot ang noo niya.

"Hindi ko siya ma-contact, since kahapon...tapos kanina, nakay Emma ang phone niya. Naiwan niya raw sa kotse ni Emma."

"Eh, di ba nga, sabi mo sa akin kagabi, hindi na siya nagpapasundo? Paano kung ang kotse ni Emma ang ginamit nila pauwi?"

Nagbaba ako ng tingin dahil sa hiya.

WIPING TEARS AWAYWhere stories live. Discover now