Kabanata 2
Peace
Maaga akong nagising kinabukasan para samahan si Papa sa pag laot. Hindi pa sumisikat ang araw ay nasa gitna na kami ng kalmadong dagat, nilalahad ang lambat at naghihintay na kumisot ito senyales na puno na ang lambat.
I looked at the beachfront owned by the de Alvarezes. Remembering the beautiful people enjoying themselves, Vale's gentle smile and a friendly wave, Silver's perpetual scowl. Totoo nga ang sinasabi ni Lito, walang ibang pinagkakaabalahan ang mga taga-rito kundi ang mga dayo. Naging usap-usapin na ng buong San Juan ang pag dating ng mag kapatid sa probinsya at ang mga anak mayaman nilang mga kaibigan na naligo sa dagat.
"Papa, bakit daw dito mag aaral iyong nakababatang de Alvarez?" Tanong ko kay Papa habang mataimtim niyang pinag mamasdan ang lambat sa ilalim ng malinaw na dagat.
"Shh...tinatakot mo yung mga isda." Pabulong na saway niya.
"Sa lungsod daw mag-aaral si Vale ng college, bakit kaya?" Mahinang sabi ko. Mayaman naman sila at pupwede siyang mag aral sa kahit saan niya gusto. Bakit pa dito?
"Ganoon talaga ang mga de Alvarez, iyong panganay din nila sa lungsod nag aral. Pinapa-trabaho nila sa tindahan o sa planta pagkatapos ng klase para matuto sa negosyo."
Natigilan ako. Silver studied here? The idea seemed ridiculous to me that it made me chuckle, expecting Papa to reveal that he's kidding. But it never came. I wondered what he looked like in our school uniform, wearing our logo. It seemed weird. A rough and brawny man wearing a school uniform seemed so silly in my mind. I shook the image from my head.
"Saan po nag trabaho si Silver kung ganoon?" I couldn't imagine him posing as a cashier in their grocery, parang masyado siyang malaki para sa counter. A man his built must be very active and would require a physical job. Hindi siguro siya mapapalagay sa paupo-upo lang.
"Wag kang maglalalapit sa mga iyon," Babala ni Papa habang hinihila na ang lambat, hindi pinansin ang mga tanong ko. Sinulyapan akong muli ni Papa ng hindi Ako sumagot. "Ipangako mo Grizelda."
Gusto ko pa sana mag protesta at itanong kung bakit pero pinigilan ko na lamang ang bibig at tumango. "Opo, Papa."
Hindi na namin pinag usapan pa ang mga de Alvarez sa buong layag hanggang sa makabalik. Nag hintay sina Mama at Tita Conching sa amin sa dalampasigan, dala-dala ang lampara na hindi na magagamit dahil sumikat na ang araw noong pag daong namin. Tumulong sila sa pag kuha ng mga isda. Mga talakitok, tulingan, galunggong, at marami pa. Pinag hiwa-hiwalay namin ang iba-ibang klase sa bawat timba para ipaninda sa palengke mamaya. May iba naman na lumalapit na kaagad sa amin para makabili na agad ng preskong huli, mas mura ang benta ng mga iyon kasya sa naka pwesto sa palengke.
Sa tanghali hinanap ko si Priscilla sa kanilang karinderya malapit sa palengke. I may not want to admit it, but I am intrigued with the de Alvarezes. Hindi lang sa magkapatid pero sa kanilang lahat. Madalas na kwento ng mga tsismosa sa tindahan na galing daw sila sa angkan ng mga Espanyol na namahala sa probinsya noon, kaya naman malakas ang dugong banyaga sa mga itsura nila. Tall, and elegant, and golden. Hindi sila masyadong nakikisalamuha sa ibang pamilya, kahit na iyong mga mayayaman din. Madalas ding iniimbitahan ng Mayor si Senyor Tiberius de Alvarez III bilang honorary guests ng bawat programa sa lungsod pero bibihira lang sila dumadalo.
They were kept to themselves and it made them mysterious. Kaya naman paboritong pulutan ng mga tsismosa sa probinsya.
Naabutan ko si Priscilla na nagbubugaw ng langgaw sa kanilang karinderya, naka patong ang baba sa isang kamay at bagot na bagot ang mukha. Lumiwanag lamang ito ng nakita akong papalapit.
BINABASA MO ANG
Passions of Spring
Romance[#1 in Literature] Grizelda Villacenzio is a quirky girl from a small town near a beautiful island. A child of summer and fun times, she has yet to learn about spring and the lovely spell it brings. In spring, there's always something new. Another...