Kabanata 23
Sorry
Paulit-ulit sa utak ko ang mga salita ni Silver. Nasasaktan ako pero ngayon natanto ko na walang mali sa sinabi niya. Lahat iyon totoo.
I did give my heart away to the first man who made my heart flutter.
Naging mapusok ako at mabilis sa pag amin. I didn't think twice about what I was throwing into the fire, as long I could feel his warmth.
That was stupid, indeed.
Childish.
I have done something I wish I could take back.
I never had the urge to guard my heart before. Kapag mahal na mahal ko ang magulang ko, sinasabi ko sa kanila. Kapag galit ako, pinapakita ko agad. Madali lang ang buhay bago ko makilala si Silver.
Ngayon lang ako naguguluhan ng ganito.
Hindi na ako dumalaw ng dalampasigan pagkatapos ng nangyari sa amin ni Silver. Nahihiya akong ipakita ang mukha ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba dapat kong maramdaman.
Everything is too much. Kaya imbes na magmukmok at magpakalunod sa pag-iisip ay inabala ko ang sarili sa mga gawain. I put on extra effort sa trabaho, kahit hindi ko trabaho, pilit kong ginagawa. I count and recount inventories again and again.
Sa bahay nama'y nilinis ko ang bawat sulok ng bawat kwarto. Tinulungan ko rin si Mama sa paglalaba nung day-off ko. Hindi pa ako nakuntento at nilinis ko rin ang chicken coup, at ang hardin.
Wala akong sinayang na oras para mag-isip. I put all my emotions aside and stuffed it in a box.
Umabot ng isang linggo bago ko makita muli si Noel. Mukhang na-busy na rin ito sa school at ngayon lang ako nasundo muli.
Kasama niya ulit ang dalawang kaibigan at nakasuot sila ng jersey pang-itaas habang white slacks ang ibaba.
Nilingon nila ako at kumaway.
I immediately turned and walked away. Tinawag ako ni Noel at tumakbo para hulihin ang kamay ko.
"Zelda..." medyo hingal na sambit ni Noel. "Gusto nila mag sorry."
Noel gestured for his friends to come forward.
"Sorry, Zelda." nahihiyang nag salita si Alan na tinanguan naman ni Noel.
Nagkamot ng ulo si James nang makalapit, halatang labag sa kalooban niya ang pinapagawa ng kaibigan. "Sorry..."
Nagtaas ako ng kilay, kung si Alan kaya kong palampasin. Ibang level ang inis ko kay James. "Para saan?"
"Tss..." parang di mapakali si James, hirap mag salita. "Sorry kung sa tingin mo nag kamali ako."
Suminghap ako sa sinabi ng binata. He didn't even mask the contempt in his voice.
"Pre, naman!" saway ni Noel.
"Pre, ano bang nagawa kong mali? Bakit kailangan kong humingi ng tawad para sa babaeng gusto mo?" binalingan ako ni James, mga mata'y puno ng disgusto para sa akin. "Napaka-arte akala mo may pinag-aralan."
That did it for me. Agad gumuhit ang palad ko sa pisngi ng bastos na binata. Ayoko man aminin, pero natuwa ako sa lagapak na tunog na nilikha ng sampal na iyon.
Suminghap ang iilang pedicab driver na nanonood sa kaguluhan. May ilang tindera ng sari-sari store ang lumabas at makiusisa.
Sa gulat ni James ay hindi nakabalik ang mukha niya sa pagkakatagilid. Mapait siyang tumawa habang hinahaplos ang namumulang pisngi.
BINABASA MO ANG
Passions of Spring
Romance[#1 in Literature] Grizelda Villacenzio is a quirky girl from a small town near a beautiful island. A child of summer and fun times, she has yet to learn about spring and the lovely spell it brings. In spring, there's always something new. Another...