Kabanata 5
Friends
Two months past and I haven't seen or heard anything about Silver de Alvarez. Wala rin namang gusto pag-usapan siya sa mga kaibigan ko dahil si Vale ang pinagkakaabalahan nila. My heart recovered a bit from that nerve-wracking encounter with the brute. Honestly, I'm just glad that he's not here anymore. Baka bumalik na din sa Manila para sa college. The last thing I heard from Priscilla's gossip was Silver was studying in La Salle, hindi nga lang namin alam kung college or baka masteral na.
"Ayan na si Zelda," Sabik na iwinawagay-way ni Priscilla ang kamay pag-pasok ko palang ng gate sa school. Kasama niya sina Dina at marami pang mga babaeng estudyante na iba-iba ang antas, pero karamihan ay fourth year high school rin na kakilala namin. Halos magkaka-kilala naman kaming lahat dahil simula High school ay nandito na kami sa Colegio de San Giuseppe Vesuviano.
"Anong meron?" Nakahilig sila sa railings malapit sa gate ng school kung saan pumapasok ang mga nakasasakyan, nag aabang at excited ang mga mukha.
"Ano pa ba? Edi si Vale." Sabi ni Priscilla at hinila ako para makipagsiksikan sa hilera ng mga estudyanteng nag aabang.
Ang ibang ka-batch ay pinuri ang aking bangs na medyo humaba na din matapos ang ilang buwan, umabot na din ito sa itaas ng aking kilay. Ngumisi ako at nag thank you.
"Parang tumangkad ka pa lalo, Zelda." Puna ng isang kaklase sinusukat ang agwat namin.
"Ewan, baka lang sa bago kong sapatos." Sabi ko at nag babadya nang umalis.
Hinila ako ni Priscilla. "Hoy, dito ka lang."
"Ayoko, doon nalang ako sa classroom. Baka ma-late pa ako." I like Vale but I'm really a fan of him. I think it's best if I stay away from any of them from now on. I've done well for these past few months anyway.
"Hindi yan, paparating na iyon. Sabay na tayo."
Maya-maya ay may itim na BMW sedan ang dumaan sa rotonda katapat namin. Lumabas si Vale na naka-school uniform. A simple white polo with a logo and dark brown pants looked so gorgeous in him. Parang isang fashion outfit ang suot imbes na school uniform. Ang buhok ay malinis na nakaparte sa gilid, ang labi ay may naglalarong ngiti. The angelic version of Silver.
"Ayan na, ayan na!" Tili ni Dina ng pagbaba ni Vale at isinuot ang bagpack sa likod. He held the door open and a girl stepped out of the car. Maikli ang buhok at may malaking salamin na suot. He helped the girl with her things and said something.
"Ayy...sino iyong babae?" Bulong-bulungan nila.
"Hmm..." Mabilis na nagpahid si Dina ng lip gloss sa labi. Hinawakan niya ang balikat ng isa sa nagtanong para mailapit ang bibig sa tainga pero rinig ng lahat ang boses niya. "Olympia Verioso, pinsan niya. Magiging ka-batch natin yan."
"Fourth-year high school din? Bakit tinanggap? Diba bawal na transferee pag graduating?" Tanong ko.
"Vale!" Hiyaw nila ng nag lakad ito pagawi sa tinatambayan.
Bumaling si Vale at kumaway, flashing his million-dollar smile. "Good morning, Ladies."
Nagsi-hagikgikan ang mga dalaga, nahuli ko namang umikot ang mata ni Olympia at umiling tapos ay iniwan ang kanyang sikat na pinsan.
Dinumog si Vale ng mga estudyante at hinhatid pa siya papuntang building ng College of Business.
"Tara na, yaan mo na sila diyan. Male-late pa tayo e." Hila ko kay Priscilla.
Nag tunog siya ng dila pero tumigil din. "Sige na nga, ayoko rin namang makipag-siksikan para lang mapansin ni Vale. Mas mapapansin niya ako kung hindi ako mukhang patay na patay sa kanya." Hinawi niya ang buhok palikod.
BINABASA MO ANG
Passions of Spring
Romance[#1 in Literature] Grizelda Villacenzio is a quirky girl from a small town near a beautiful island. A child of summer and fun times, she has yet to learn about spring and the lovely spell it brings. In spring, there's always something new. Another...