Kabanata 14

58 11 27
                                    

Kabanata 14

Match


Nag daan ang aming graduation at dumating na ang summer. Natapos na ang mall na pinaggawa ng mga de Alvarez kaya naman wala na ring trabaho si Papa. Alam kong gusto niya mangisda muli para kahit papaano ay may dagdag kita kami pero mahigpit na pinagbabawal iyon ni Mama. We were still traumatized about it. Hanggang sa puntong kahit pumunta ng dalampasigan ay pinagbabawal ni Mama.

The idea of going to college was million miles away now. Kung dati problema ang pera pang matrikula, ngayon problema na ang pera para sa mga pangunahing pangangailangan.

This pushed me to accept Olympia's offer. Sinabihan niya akong mag-apply ng maaga para makapili ng trabaho na gusto. Plus, if I do it within summer, baka si Vale ang mag-iinterview sa akin. Which was nice. Mabait si Vale at panigurado ay tatanggapin ako agad ng walang kahirap-hirap.

This gave me hope. Iniisip ko na kapag kumita na ako ay iipunin ko iyon sa bangko para hindi ko magalaw at maka-ipon ako ng mabilis pang kolehiyo.

I started thinking about my future, which was weird. Buong buhay ko lagi kong motto ay malalaman ko na kapag gagawin ko na. Mas gusto kong isipin ang ngayon kaysa bukas dahil nakatulong itong malimutan ko kung gaano kami nag hihirap.

A week before the actual mall opening, maaga akong pumunta sa mall para sa job interview. I put on my best decent looking attire na galing sa aparador ni Mama.

I wore a white linen long sleeves that I buttoned up to the very top, tucked in a grey high-waisted plaid skirt, and black doll shoes. My hair was in a mid ponytail and I applied a little bit of blush and lipgloss, just so I look healthy.

Medyo marami ang nakapila sa labas ng isang kwarto na may pangalang Operations Manager kaya doon na rin ako pumila. May babaeng tumanggap ng aming mga resume at sinabihang maghintay nalang para tawagin.

"Wala pa si Mister de Alvarez kaya hintay-hintay lang muna kayo, may bench naman diyan maupo nalang muna kayo." Sabi ng babae bago pumasok muli sa loob.

Nagtinginan kaming mga aplikante habang nag hihintay. Some of them looks nervous, may iba naman na mukhang sanay na sa pag aapply.

"First time mo?" Tanong ng lalaking katabi ko. Medyo matanda na siya kaysa sa akin, siguro ay mga mid-twenties. Maamo ang mga mata at bilugan ang mukha, medyo may katabaan rin siya.

Tumango ako. "Ikaw ba?"

"Hindi naman, nag trabaho na ako sa Supermarket dati sa Santa Isabel kaso lilipat na ako dito dahil malapit na lang sa bahay." Ngumiti siya. "Ayos din yung inisip nila na magtayo ng mall, no? Priority din daw talaga na mabigyan ng trabaho iyong mga taga-rito din sa bayan."

"Oo nga..."

Napasulyap kami sa bagong dating. A tall, muscular man with a slightly tousled hair strode the corridor towards us, looking dark and dangerous.

Nahuli ni Silver ang aking titig. Hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napatingin din tuloy ako sa damit ko. Laking gulat ko na halos parehas kami ng attire!

The rough and rugged looking brute was wearing a white long sleeves folded up to his elbows and dark grey plaid pants. Compared to my white long sleeves and grey plaid skirt. Para kaming matchy-matchy.

His lips twisted in a devilish smile.

Nag-iwas ako ng tingin. So what kung parehas kami ng attire? Hindi naman siya naka-palda. And it's a very common corporate attire.

Pumasok si Silver sa loob ng Operations Manager office at nag simula nang magtawag ang secretary ng mga aplikante.

What the heck? I thought the interviewer was Vale?

Passions of SpringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon