Kabanata 13

57 11 26
                                    

Kabanata 13

Drifting


"Aalis pa ba kayo? Madilim ang langit, baka uulan." Sambit ni Mama habang naghahanda ng kakarampot na almusal bago kami lumaot.

Napakusot ako ng mata medyo inaalimpungatan pa. Sa sumunod na Sabado ay nangako akong sumama kay Papa dahil hindi ko na madalas magawa. Kung hindi ako busy sa eskwela ay palagi akong nanonood ng palabas sa VHS o di kaya nama'y sumasama sa mga kaibigan para tumabay kung saan-saan.

"Zelda, wag ka na lang kaya sumama." Sabi ni Mama. "Mukhang delikado."

"Ito ang gusto mo, Mama, diba? Na tumulong ako sa inyo."

"Hindi iyon ang sabi ko. Hindi ka na tumutulong sa palengke tuwing uwian niyo sa eskwela o kahit man lang tuwing Sabado. Palagi ka na lang gumagala kasama ng mga barkada mo o di kaya nanonood ng palabas."

"Mag bebenta pa rin naman ako ng itlog tuwing Linggo a." Angal ko, medyo napataas ang boses.

"Anak, ang gusto ko lang..." Bumuntong-hininga si Mama, sinapo ang noo.

"Kaya nga po sasama na ako kay Papa ngayon." Sabi ko habang naghahanda ng mga dadalhin sa pag layag.

Lumapit si Papa kay Mama at may sinabi, tumango si Mama at hinalikan naman ni Papa ang noo niya.

"Mag-iingat kayo ha!" Sabi ni Mama ng papaalis na kami. "Kapag lumakas ang alon, bumalik na lang kayo agad."

#


Gumuhit ang kidlat sa langit na nagpaliwanag sa nang-gagalaiting alon habang humahampas ito sa aming bangka. Ang mabigat na ulan ay pumapatak na parang libo-libong karayom sa aking balat. Ang kulog ay dumadagundong sa aking tainga at nag pigil ako ng hininga, nag aabang ng susunod na hampas ng dagat.

"Papa!" Sigaw ko sa karagatan, ang hamog ay bumabalot sa paningin. "Papa!"

Kumapit ako sa gilid ng bangka para pumirme sa pwesto habang tumuwad ako sa dagat para hanapin ang pamilyar na anyo. O kahit ano. Humapdi ang mata ko sa pinaghalong luha at ulan, nahihirapang makakita.

This storm was different. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong galit ng karagatan sa taon-taong pag sama ko kay papa sa pangi-ngisda. Matinding takot ang nag-hari sa aking puso't isipan, nanunuot hanggang sa aking buto. Ako na lang ang mag-isa sa bangka, kanina pang nawawala si Papa sa dagat dahil sa paghampas ng malaking alon.

"Papa!" Nag-crack na ang boses ko at nalasahan ang mala-kalawang sa aking lalamunan. I'm going to lose my voice. Nanghihina na ako, mahigit isang oras na akong sumisigaw, nakikipag-karera ng hiyaw sa mga kulog.

Kung hindi na maka-ahon si Papa ay wala na din akong pag-asang makabalik sa dalampasigan. I'm as good as dead.

May isang bangka ang lumapit habang walang patawad ang mga alon sa pag-damba sa lahat ng makikita.

"Anak ni Tomas!" Sigaw ng isang bangkero sa kasama niya sa bangka.

"Asan ang Papa mo, hija?" Sigaw nito sa akin.

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam. Hindi ko na siya makita. Pero ayaw kong sabihin, dahil kapag sinabi ko, ibig sabihin totoo. Ayaw kong aminin sa sarili ko, ayaw kong aminin sa mundo.

Buhay pa si Papa, nandyan lang siya. Baka nakalanggoy na siya papuntang pang-pang. Baka naiwan lang niya ako dito at nakauwi na siya sa bahay.

Lumapit ang bangka sa akin at tumalon ang isang bangkero papunta sa aking bangka. Itinali niya ang pisi sa dulo ng bangka at nagbabadyang hatakin ako papalayo.

Passions of SpringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon