Kabanata 3

80 21 61
                                    

Kabanata 3

Eggs

Sa sumunod na linggo ay hindi na ako sumama kanila Priscilla sa pang-umagang misa. Hindi ko ata kakayanin kung titingnan ako ng mga de Alvarez ng ganoon. Vale was an exception, though. His gaze was friendly and cheerful, but the rest of the de Alvarezes looked at me as if I've done something wrong.

Kinamusta ako ni Mama noong araw na iyon habang nasa palengke kami. Napapansin Niya na tahimik lang ako at walang imik. I didn't tell her anything. Hindi rin kinuwento ni Minerva sa mga kaibigan ang nangyari sa simbahan. Naisip siguro niya na walang namang mapupuntahan ang usapan dahil hindi ko naman talaga kakilala ang pamilya. There should be no reason they were hostile to me.

Maybe Mama and Papa were right in warning me about them. Maybe there's a reason why I should stay away. Pero wala na silang ibang sinasabi. Tuwing mag tatanong ako tungkol sa mga de Alvarez ay iniiba lamang ni Mama ang usapan. Si papa nama'y tahimik lang at hindi ako pinapansin.

"Ganoon lang siguro talaga sila." Sambit ko sa mga inahing manok habang pinapakain sila sa loob ng kulungan. May dala-dala akong basket para pag lagyan ng mga itlog nila. "Si Vale lang ang naiiba."

Bumaling ang puting manok sa akin, itinagilid ang ulo para tingnan ako sa isang mata. Parang nagtatanong ang kanyang mga dilaw na mata. Tila tinutulak ako para mag kuwento pa. Napabuntong-hininga na lamang ako. "Wag mo nang tanungin, wala ako sa mood."

Umikot ako sa buong San Juan nakapayong na red at dala-dala ang basket na nag lalaman ng mga itlog. Napadaan ako sa bahay nila Noel dahil sa akin sila madalas bumili ng itlog.

Ang bahay lamang nila Noel ang may second floor sa buong barangay. Meron din silang garahe para sa kanilang itim na Civic at sa kanila lang ang lote na naka bakod ng semento, maliban sa lupain ng de Alvarez dahil hindi naman nila pinaganda ang bakod at madalas kami lumulusot sa kinakalawang na de alambreng gate nito. Maraming paikot na design ang fence nila Noel na tulad sa mga nakikita kong gate sa telebisyon.

Lumapit ako at pinindot ang door bell sa gate.

"Zelda?" Gulat na bati ni Noel, naroon pala siya sa gilid ng bakuran. May hawak na hose katabi ang malaking aso nilang may lahi.

"Uhm...nandiyan ba si Mrs. Lucero? Bibili ba siya ng itlog?" Inangat ko ang basket para maipakita sa kanya.

Binitawan niya ang hose at nag punas ng kamay sa kanyang shirt bago ako pagbuksan ng gate. "Pasok ka, nasa loob si Mama."

Pumasok ako sa kanilang bakuran pero hindi ko na sinundan si Noel sa loob ng bahay noong pumasok siya para tawagin si Mrs. Lucero. Lumapit ang aso nilang si Eli sa akin na pilit idinidikit ang ilong sa aking puwetan. Napatili naman ako ng kaunti.

"Eli, no!" Saway ni Noel ng makabalik, si Mrs. Lucero ay sa kanyang likod. "Pasensya na, ganyan talaga yan pag may bisita. Ganyan siya mag hello."

Nginitian ko ang aso at hinaplos ang ulo. "Hello din."

Gumulong-gulong ito at pinapakita ang kanyang tiyan. Yumuko ako para haplusin din ang kanyang tiyan. Lumabas ang dila nito na parang tumatawa.

"Mukhang gusto ka ni Eli," Natutuwang sambit ni Mrs. Lucero.

"Magandang tanghali po, Ma'am. Baka po gusto niyo bumili ng itlog."

"Sige, hija. Isang dosena lang." Sabi ni Mrs. Lucero habang nag hahanap ng barya sa kanyang pitaka. Iniabot Niya ang saktong pera ng may malaking ngiti. "Mabuti pa itong si Zelda, napaka sipag na bata. Matulungin sa magulang at matalino pa sa eskwela. Itong si Noel...nako."

Ngumuso si Noel, nagkamot ng batok. "Tumutulong naman ako sa bahay a. Pinapaliguan ko si Eli ngayon, tapos nag walis din ako, tapos nag hugas ng plato."

Passions of SpringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon