Kabanata 9
Sparks
"You know what's wrong with you, Miss Whoever-you-are?" I pointed my finger at it, my brows furrowed. "You're a chicken! You've got no guts. You call yourself a free spirit, a 'wild thing,' and you're terrified somebody's gonna stick you in a cage. Well baby, you're already in that cage. You built it yourself. And it's not bounded in...in..."
Tinagilid ng puting manok ang kanyang ulo, tinitigan ako sa isang mata. Nalimutan ko ang susunod.
"It's wherever you go! Because no matter where you run, you just end up running into yourself." Kumuha ako ng bigas at itinapon iyon sa kanya. Lumipad ang inahing manok at pumatong sa sanga na dinisenyo ni Papa para pag laruan nila.
"Well? Hihingi ka ba ng tawad?" I crossed my arms, looking up at the chicken. Binuksan niya ang kanyang pakpak at pinapagaspas sabay kumuruktok ng malakas.
Tinakpan ko ang tainga at tinapunan ito ng masamang titig. "Aba, sumasagot ka pa a!"
"Zelda, anak. Sinong kaaway mo diyan?" Lumabas si Mama ng bahay kasama si Tita Conching na may dala-dalang timba na puno ng isda. Natatawa nila akong tiningnan.
"Isang beses lang niya napanood yun kanila Mrs. Lucero pero kabisado na niya lahat ng pinagsasabi sa palabas." Sabi ni Tita Conching.
"Basta talaga kalokohan," Umiling si Mama. "Bilisan mo diyan para matapos ka sa pag de-deliver ng maaga. Baka may assignment ka pa."
"Wala pa kaming assignment, Ma. Hindi pa nag sisimulang mag lesson."
"Edi, bilisan mo pa din at tapat na ang araw."
"Opo." Kinuha ko ang basket na maraming laman na itlog at nag simulang mag ikot-ikot sa barrio. Hinuli ko ang bahay nila Noel para wala nang masayadong laman ang basket ko kung kukunin ko ang player nila.
Nasa yarda si Noel, kalaro ang malaki nilang aso na may lahi. Tinapon niya ang bola at tumakbo ang aso palayo.
Itinaas ko ang kamay at iwinagayway sa kanya. Lumiwanag ang mukha nito at ngumiti. Napatingin siya sa relo niya.
"Napaaga ka a."
"Nandyan ba si Mrs. Lucero? Medyo kakaunti nalang ang dala kong itlog, baka gusto niyang kunin nalang lahat ito."
"Pasok ka na lang sa loob, nag hahanda pa si Mama ng snacks." Bumalik ang aso sa harap niya, tangan ang maliit na bola sa bibig.
Kinuha ni Noel ang basket mula sa braso ko at pumasok sa loob ng bahay, wala na akong ibang excuse para hindi pumasok. Inilapag niya ang basket sa coffee table ng sala nila.
"Upo ka muna, pupuntahan ko si Mama sa kusina."
Hindi ito ang unang beses na pumasok ako sa bahay nila Noel, pero ito ang unang beses na pumasok ako mag-isa. Kadalasan ay kasama ko ang ibang mga kaibigan kung manonood kami ng palabas sa malaki nilang TV.
Lumabas si Mrs. Lucero mula sa kusina na may dalang tray, si Noel naman ay nasa likod niya dala-dala ang pitsel ng juice.
"Mag meryenda ka muna, Zelda." Sabi ni Mrs. Lucero.
Tumayo ako at nag ambang tulungan ang ginang. "Ayy, ma'am nag-abala pa kayo."
"Upo ka lang," Sabi ng ginang. "Nasabi ni Noel na pupunta ka raw dito at hihiramin yung VHS player."
"Kung okay lang po sana sa inyo."
"Okay na okay, hindi na rin naman magagamit iyon. Alam mo na," Ngumiti ang ginang. "Napaka-bilis ng teknolohiya, ano? Ano na naman kaya ang maiimbento nila sa susunod?"
BINABASA MO ANG
Passions of Spring
Romance[#1 in Literature] Grizelda Villacenzio is a quirky girl from a small town near a beautiful island. A child of summer and fun times, she has yet to learn about spring and the lovely spell it brings. In spring, there's always something new. Another...