Kabanata 17
Questions
"In a hurry?"
"Hindi naman, tiningnan ko lang ang oras." Paliwanag ko.
Inusog ni Silver ang pink drink palapit sa akin. "Shirley Temple, you know this one right?"
"Wala kang ibang nilagay dito?" Nag taas ako ng kilay.
"Are you accusing me of spiking your drink?" Nagtaas siya ng kilay. Bigla niyang binawi ang inumin na ibinigay sa akin sabay ininuman.
"See? I'm still alive. Wala itong kahit ano." Gumuhit siya ng cross sa dibdib. "Promise."
I'm suddenly reminded of our little interaction back in his yacht. Sa katagalan ay ininom ko din ang bigay niya, it was the same zesty, gingery, sparkling drink. Kaya naman malapit ko kaagad ito maubos.
Pa ngiti-ngiti pa si Silver, natutuwa habang umiinom ako, feeling ko tuloy may something sa inumin. Pero pagkatapos ng ilang minuto ay wala naman akong ibang nararamdaman.
"So, when are you going to clean my horse?" Sabi ni Silver na nagpipigil ng ngiti. His voice has a suggestive tone to it.
"Hindi naman sinabi ni Noel na nanliligaw siya. Inassume lang ni Olympia." Paliwanag ko.
"Hinatid ka pauwi, hindi ba panliligaw iyon?"
Nagtaas ako ng kilay. "Paano mo nalaman na hinatid niya ako?"
Tumuwid siya sa pagkakaupo at nag-ayos ang kwelyo. Tumikhim siya at naglayo ng tingin.
"Sinusundan mo ba ako?"
"No. I was just passing by." He said casually.
"Ang layo ng bahay niyo, mapapadaan kang San Juan?"
Muli siyang sumimsim ng alak. "I was going to the beach."
"Hm..." I said mockingly.
Umirap siya sa akin na mas nagpa-lapad ng ngiti ko.
He watched me sideways while he sipped on his drink.
A band started to play a love song on the stage to entertain the guests. Lumakas ang tunog at natabunan lahat ng usap-usapan.
Ang isang kamay ni Silver ay nasa sandalan ng sariling upuan, habang ang isa ay nasa lamesa para paglaruan ang kanyang kopita. Inangat niya ito at inilapat sa labi niya, hindi ko mapigilan sundan ang galaw na iyon.
"Will you apply for the scholarship, now?" Inilapit bahagya ni Silver ang mukha, ang labi malapit sa aking tainga.
Nagulat ako sa biglaang paglapit nito. Amoy ng alak, mint, at may bakas ng sigarilyo ang kanyang hininga. Normally, I would be grossed out with the smell, pero may kung anong hatid ito sa pakiramdam ko.
Iginala ko ang mata sa mga tao sa silid, mabuti at busy sila sa pagkain kaya hindi nila napansin si Silver. Ano pa man ay hindi ko mapigilan ang kabahan.
Napasimsim ako sa inumin.
I turned to him and spoke near his ear, too. "Siyempre naman, sa susunod na school year siguro."
"You can start next semester." Sabi niya, inuusog ang kanyang bangko para lumapit pa. "Ano bang course gusto mo?"
I scrunched up my nose. Hindi ko pa talaga napag-iisipan ng maayos ang kukunin ko dahil inisip ko na kailangan ko muna kumita ngayon.
"Uhm...Mass Communication?"
Nag taas siya ng kilay, a ghost of a smile on his lips. "You're not sure?"
BINABASA MO ANG
Passions of Spring
Romance[#1 in Literature] Grizelda Villacenzio is a quirky girl from a small town near a beautiful island. A child of summer and fun times, she has yet to learn about spring and the lovely spell it brings. In spring, there's always something new. Another...