Kabanata 19
Influence
Saktong alas sais ako nag-out sa trabaho. Tumungo ako sa may paradahan ng pedicab para tingnan kung nandito na ba si Noel.
Madalas kapag hinihintay ako ni Noel ay nakahilig siya sa isang poste ng ilaw, naka headphones at nakikinig sa kanyang Walkman. His face would light up whenever he sees me and pull down his earphones.
Ngayon ay may kakaiba. Mayroong tatlong silweta ang nakatayo sa nakasanayang poste. Malalaki ang pangangatawan at nag-aabang ng kung sino.
Bumagal ang lakad ko. I don't have a good feeling about this.
Nagtatawanan at masiglang gumagalaw ang mga kalalakihan. Naka suot ang mga ito ng Jersey pang itaas habang puting slacks ng Marine uniform ang pangbaba.
Bumuntong-hininga ako ng makitang si Noel ang isa, na pinapagitnaan nila. Pero hindi ko kilala ang dalawa. May isang kalbo at may isa namang pinakamatangkad na maitim.
Nang nagsalita ang kalbong kaibigan ni Noel at nakabukas ang mga braso, ay bumagal ang lakad ko palapit sa kanila.
"Pag magandang babae, hinahalikan ko kaagad. Halik lang naman. Wala nang hintay-hintay. Kapag MVP ka, lalo na pag nasa court, pwede mo gawin kahit ano."
"Lakas, tsong! Kahit ano?" Sabi ng matangkad na maitim.
"Oo, kahit may kasamang syota pa yan, hindi na makaka-angal. Kunwari pa matutumba ka tapos kakandong. Ganon yun!"
"Gago ka. Ibang klaseng tira na yan." Pabirong sinapak ni Noel ang braso ng kalbong kaibigan, pero walang bakas ng pagtutol sa sinabi.
Gumanti ang kalbo sa pagsapak sa braso ni Noel. "Tangina, sinasabi ko sa iyo, Noel, birahin mo na agad. Mga ganyang klase ng babae gusto niyan agresibo, kailangan mamilit ka."
Tumawa si Noel at napailing.
Natigil ako. Naninikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang mga kalalakihan sa pinag uusapan nila. I can't believe I'm hearing these things right now.
There was an old Spanish proverb saying, 'Tell me who your friends are, and I'll tell you who you are.' Because friendship is a symbiotic relationship. You give some and you get some. And it's only possible when you both gain the pleasure from each other's company to stick around and continually reciprocate.
However, I found myself questioning this particular proverb.
The Noel that I knew was nothing like these rude boys.
Habang nagtatawanan sila ay napapaisip na ako na huwag nang lumapit. Uuwi nalang ako mag-isa. Kaso napabaling si Noel sa kinatatayuan ko at agad niyang sinapok ang tiyan ng maingay na barkada.
Natigil sila at napalingon sa akin. Tumikhim ang kalbong lalaki at nginitian ako ng matamis.
"Good evening, miss." Bati nito sa akin, bagamat magalang ang salita ay hindi nakatakas sa akin ang pahiwatig ng tono nito. "Kaibigan kami ni Noel, ikaw siguro si Zelda."
Dahan-dahan itong lumapit sa akin at agad akong napaatras.
Naglahad ito ng kamay para sa akin. "Ako si James."
I clutched my hands to my chest. Tiningnan ko si Noel at agad niya akong dinaluhan para ilayo ang kaibigan.
"Zelda, eto nga pala si James at Alan." Ipinresenta ni Noel ang kalbo tapos ang matangkad na maitim. "Guys, eto si Zelda."
"Nice to meet you, Zelda." Bati ni Alan na seryoso ang mukha.
Ramdam ko ang tensyon sa paligid. Mukhang nangangapa ang mga kalalakihan kung paano ako patutunguhan ngayong naabutan ko silang naguusap tungkol sa mga babae.
BINABASA MO ANG
Passions of Spring
Romance[#1 in Literature] Grizelda Villacenzio is a quirky girl from a small town near a beautiful island. A child of summer and fun times, she has yet to learn about spring and the lovely spell it brings. In spring, there's always something new. Another...