Kabanata 6

75 17 45
                                    

Kabanata 6

Small Talk

Private turned out to be inside the library full of eavesdroppers. Iginaya ako ni Vale sa medyo dulong shelf sa may Filipiniana section kung saan wala masyadong pumupunta ngunit panaka-naka'y nakikita ko ang mga lumulutang na mga bunbunan sa kabilang aisle. I know my friends are definitely behind those shelves, hindi ko lang alam kung sino pa iyong iba. Baka lahat ng tsismosa ng school nakatago sa likod.

Vale smiled at me every once in a while and kept reassuring me that his intentions were friendly. But you can't blame me for freaking out!

"Sorry, medyo weird ang set-up. Ayoko kasing may ibang maka-rinig."

"Sa school, kahit saan ka pumunta, may makikinig." Binalingan ko ang mga ulo sa shelf at biglang nag tago ang mga ito. "Mas lalo lang tuloy silang magdududa dahil dito mo ako dinala."

Napakamot ng batok si Vale at yumuko para tingnan ang paa niya. Nagkiling ako ng ulo, it's like a déja vu. The image of his older brother popped into my mind. "I guess you're right. I just wanna apologize, I acted irrationally. Nadala lang ng gulat sa outburst ni Olympia. She's a very sensitive girl, you know."

I folded my arms, relief flooding into me. He was apologizing and he was smiling. So he's not mad at me. "That's great." I thought out loud.

Napakunot noo si Vale.

"I mean, that's great to hear that you apologized...not that I'm blaming you for anything...I mean, you did act a bit irrational yesterday. J-just a little bit...and Olympia is a very sensitive girl but there's nothing wrong with that...I just..."

Zelda, where the heck is this going?

Huminga ako ng malalim at itinago ang mukha sa mga palad. I'm such a klutz. Madalas ako masangkot sa mga problema dahil sa bibig kong pa mali-mali ng sinasabi.

Vale chuckled. His rich, low voice reverberated our small space. "I get it."

"Talaga?" Binuksan ko ang mga daliri para masilip siya sa isang mata. "Eto yung isang rason kung bakit nagalit yung pinsan mo. I'm not really good at explaining myself."

Vale took a step forward, closing our distance. "I figured."

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib sa sinabi niya. He's not mad and he gets me. I brushed my fingers over my hair, nasama ang bangs kong sumabog na pataas at ipinahinga ang braso sa sariling balikat.

"Pasensya na din. I feel bad for offending your cousin."

Lumipad ang tingin ni Vale sa sabog kong bangs na parang namamangha pa kung papaano ito tumatayo ng mag-isa. Yes, Vale, I have magical bangs.

"Tell you what, this Saturday ay birthday ni Olympia. Why don't you come to our house and maybe bring some of your friends for a little party?"

"Uh..." Napalingon ako sa mga ulo sa shelf, mas naging mapangahas ang pag-silip nila dahil sa narinig.

"Medyo mailap si Olympia sa mga tao sa umpisa, pero mabait naman iyon. Promise." Kumbinsi pa ni Vale. But to be in the de Alvarezes' properties? I'm not sure I can deal with that again.

"It's a pool party, so bring some spare clothes." Yumuko siya, hinuhuli ang aking tingin. "Yes?"

"Yes!" Sigaw ni Priscilla mula sa kabilang aisle. Nilingon kami nung mataray na librarian at sinaway.

Saturday arrived at nakaabang na ang mga kaibigan ko sa labas ng bahay namin. Sinadya ko talagang tanghali na magising para sana sabihin ni Mama na natutulog pa ako.

Passions of SpringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon