Kabanata 24

40 6 2
                                    

Kabanata 24

Wish


Pag balik ni mama ng kwarto ko ay kasama na niya si papa na may dalang maliit na paperbag.

"Mamaya pa sana namin ito ibibigay kaya lang makulit itong mama mo, siya pa ang excited," sabi ni papa sabay abot ng regalo.

"Matagal na rin namin naisip na panahon nang magkaroon ka ng ganyan." ani Mama.

I sniffed and smiled at them. "Kayo talaga, nag abala pa kayo ng regalo!"

My heart skipped a beat at the small box inside the paper bag.

Hindi ako makapaniwala pagbukas ko ng mismong box. I lifted the thing up like a fragile child. It was shaped like a brick with a greenish screen, kulay asul and paligid pero kulay abo ang keypad. It was my very first phone.

"Pasensya na at Nokia 3310 lang ang kinaya ng pera namin, gusto sana namin iyong may camera kaso sobrang mahal pala nun." Nahihiya pang sambit ni Papa.

Napakurap-kurap ako, namumuo na naman ang luha sa aking mata.

"I love it!" Mabilis akong lumapit at niyakap silang dalawa ng sabay. "Thank you, thank you."

I want my birthday to be peaceful and intimate. Kaya iilang kakilala lang ang inimbitahan ko. Si Ate Maritess at si Benjie ay sumama sa akin pauwi pagkatapos ng trabaho. Dumiretso sila sa kusina para batiin sina Mama at Papa na naghahanda ng mga pagkain.

Priscilla arrived later with Noel.

"Look, alam kong may hidwaan sa iyong dalawa. Pero pwede bang kalimutan niyo muna kahit ngayon lang?" ani Pris habang haklit ang braso ni Noel na nahihiyang lumapit sa akin.

"Happy birthday, Zelda." bati ni Noel at nag abot ng munting regalo.

Matiim akong tumitig kay Noel at hindi tinanggap ang regalo niya. He looked down guiltily. I was suddenly reminded of how he forced himself on me. Ang mahigpit niyang kapit at ang mapilit niyang halik. The feeling of being helpless compared to his strength.

Umiwas ako ng tingin at nagtiim ng panga. "Hindi pa kita mapapatawad ngayon, Noel."

I can sense pain on his face when he nodded. "Naiintidihan ko...aalis nalang ako, kung ayaw mo."

"You can stay, I just..." napahilamos ako ng mukha.

"Oh, come on, Zelda, lower your ego!" si Pris. "Noel is our friend!"

Bakit ako pa ang nagmumukhang masama ngayong siya ako ang naagrabyado? Hindi ko alam kung hanggang saan ang alam ni Pris tungkol sa amin ni Noel. Siguro iniisip niya na simpleng away kaibigan lang ang nangyari.

"Okay lang, Zelda. Gusto ko lang batiin ka sa kaarawan mo," bumitaw si Noel sa hawak ni Pris at nagsimulang lumakad palabas ng gate.

Kinukurot ang puso ko habang tinitingnan ang likod ni Noel na palayo. It pains me that things can't stay the same anymore. Hindi ko kayang magparaya at tanggapin ang paumanhin ni Noel. Hindi pa ako handang maghilom.

Pris looked at me with curiosity in her eyes.

"Ano ba talagang nangyari sa inyo?" tanong ni Pris.

I looked away. "Tutulungan ko pa si Mama sa paghahanda. Upo ka muna sa salas habang wala pa ang ibang bisita."

I busied myself with stuff. Naging aligaga ako hanggang sa dumating ang ibang bisita. Dumating si Mang Eddie na asawa ni Ate Maritess, kasama ng iba pa naming katrabaho sa hardware. Doon nila napiling umupo sa mga nakaset-up na lamesa sa labas at masayang nag kukwentuhan.

Passions of SpringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon