Kabanata 30
Reason
I need to stop staring at these pictures. I kept looking at it while absentmindedly mopped a single tile of the hardware floor over and over.Hindi mawala sa isip ko ang rebelasyong nalaman sa pagkatao ng mga magulang ko. It made sense why they were extremely private people and Mama, despite her English literacy, couldn't get a decent job. We were not supposed to be found. Para kaming mga tugisang nagpalipat-lipat ng lugar hanggang sa hindi na sila naging mainit sa mata ng magkabilang panig ng pamilya.
Pero anong masama kung malaman nila kung nasaan kami? Ganoong ba talaga sila kagalit sa pagsasama nina Mama at Papa na hanggang ngayon ay nagkikimkim pa rin sila? More than eighteen years have passed. Even the de Alvarezes seemed to move on, except Senyora Valeria anyways.
"You missed a spot."
Napatalon ako at itinago ang litrato sa aking bulsa. A girl with a big red lip and straight thin brows stood in front of me, eyeing my work uniform from head to toe.
"Sorry," agad kong pinunasan ang dumi na itunuro niya.
"Is that her?" may isang boses pa ang sumulpot papasok sa hardware. Parehas sila ng istilo ng pananamit at ayos ng mukha nung naunang babae pero mayroon siyang malaking nunal sa noo.
"I thought she looked familiar, kasama siya sa yate ni Silver papuntang Kalanggaman. Akala ko si Vale ang nilalandi niya nung panahong iyon, that's why I couldn't care less," another girl emerged, this time I could recognize her. She was the girl who built that useless tent on the island.
"Gosh, Sydney. Nagpatalo ka sa muchachang ito?" sabi ng babaeng may nunal sa noo bago humarap sa akin. "What makes you so special? Are you that good in bed?"
"Baka magaling mag blowjob," halakhak ng babaeng may red lips.
Pinamulahan ako sa pinagbibitang ng mga babae. "Hindi ko po alam ang tinutukoy niyo, baka ibang tao--"
"How did an insignificant girl like you, manage to catch Silver de Alvarez?" Sydney stepped dangerously closed to me, she grabbed my chin and examined my face side to side. "Isang napakalaking palaisipan sa lahat. Tanggap ko pa kung si Harriet Callejo dahil may past sila nung high school, pero ikaw? Sino ka ba?"
Hinawakan ko ang kamay ni Sydney at itinapon palayo sa akin. "Mga miss, kung wala naman po kayong bibilhin, excuse me po dahil meron pa akong trabaho."
Maglalakad pa sana ako palayo ng may humila sa buhok ko. Mahigpit ang kapit ni Sydney sa buhok ko, iniinat ang anit. Napahiyaw ako, dahilan ng pagkuha ng atensyon ng mga katrabaho ko.
Agad lumapit si Ate Maritess at iilang mga lalaki pero nagdadalawang-isip kung ano ba ang dapat na gagawin sa customer.
"Ma'am kung hindi po kayo titigil, tatawag kami ng security," ani Ate Maritess, pinipilit tanggalin ang kamay ni Sydney mula sa buhok ko.
"How dare you! I am a customer. In fact, I wanna buy a hoe. Yung malaki, para mabungkal ang mga damong ligaw. Mahirap na baka lumago pa." Mas humigpit ang kapit niya sa buhok ko.
I was never a violent person, I never wanted to inflict any harm to others. Pero sa pagkakataong ito hindi ko napigilang hablutin ang buhok ni Sydney. Mas lalong umingay ang lugar at dumami ang mga taong pilit kaming hinihiwalay.
We were both thrown away from each other. Tinulungan akong tumayo ng mga katrabaho habang dumalo ang mga kaibigan ni Sydney sa kanya. Kumulo ang dugo ko sa itsura ng mapang-asar na mukha ng mga kaibigan ni Sydney. I just want to reach out and pull all their hairs.
"Learn your place, bitch!" sigaw ng isang babae at inalalayan nila palabas ang kaibigan.
Hinarap ako ni Ate Maritess at sinuri ang mukha at katawan ko para sa mga kalmot o sugat. Nagkalat ang mga hibla ng buhok sa sahig.
BINABASA MO ANG
Passions of Spring
Romance[#1 in Literature] Grizelda Villacenzio is a quirky girl from a small town near a beautiful island. A child of summer and fun times, she has yet to learn about spring and the lovely spell it brings. In spring, there's always something new. Another...