Kabanata 8

136 2 0
                                    

Kabanata 8

Tumakbo ako palabas ng gym matapos sabihin ni Calyx iyon. Siraulo talaga siya. How can he say that infront of his teammates? Kung ako 'yon mahihiya ako!

Baka naman trip ka lang talaga niya, Katana?

Bigla akong nainis doon. Kung trip niya lang ako, ang kapal kapal naman ng mukha niya! Oo, sikat siya at gwapo din, pero hindi naman siya diyos 'no! Kaya wala siyang karapatan para pagtripan ako. Ipapabugbog ko siya kay Kuya Caleb.

Pumasok ako sa klase ko matapos ang meeting. I was 15 minutes late for my first period pero ini-excuse naman nila ako dahil nga volleyball player ako.

It was a boring class for me kaya matapos ang klase ko sa araw na iyon ay umuwi na ako agad. I didn't see Ellie in the whole day kaya feeling ko absent siya.

I decided to text her when I'm inside my car.

To: Elliezel

Why were you absent today?

I send it to her and drove off to Mom's house. Oo doon ako uuwi ngayon. Matagal tagal na rin kasi mula nang umuwi ako doon. Dad doesn't know it kaya itetext ko na lang si Kuya mamaya.

Na-stuck pa ako sa traffic kaya nai-check ko pa ang phone ko nang makitang may reply si Ellie.

From: Elliezel

Sinama ako ni Dad sa Tarlac. May event doon at guest siya. Sorry I forgot to tell you.

I replied.

To Elliezel:

It's okay. I'm just curious. Okay, take care.

Ellie's dad is a senator. So whenever her dad has a business in different province, she needs to be there too. Alam na, politics. Kailangan may maipakitang perfect family. Malapit na naman kasi ang election.

My brows furrowed when I noticed someone familiar on the side of the street obviously going in Spring Mall. It was Calyx! And he's with a girl?

I raised one of my brow. Napatingin ako sa kamay niyang hawak hawak ng babae. They are so sweet on that gesture. They look like a couple. Nakakainis!

Mas lalong kumunot ang noo oo nang makita ko kung gaano kilig na kilig ang babae sa sinasabi ni Calyx sa kaniya. Para siyang lintang binudburan ng asin. Nakakainis talaga!

Girlfriend niya siguro.

Tsk! Ang cheap naman. Sa isang mall na ganiyan lang niya naisipang i-date ang girlfriend niya? And look what they are doing, nagsusubuan sila ng cotton candy sa tapat ng mall. Yuck! Ang corny! Ang corny corny!

Mali pala. 'Yong babae lang ang sumusubo ng cotton candy kay Calyx at si Calyx naman ay mukhang iritado na. Ha! Yan kasi, kalandian mo!

Halos mapatalon ako sa gulat ng may malakas na busina ng sasakyan ang narinig ko. Cleared na pala ang street. Inilibas ko ang ulo ko sa windshield ng sasakyan ko dahil nakabukas naman ito at tumingin sa likod.

"Sorry!" I shouted at the car at my back and the driver put his head outside the windshield too and nagthumbs up ito sa akin bago ngumiti.

Pinaharurot ko na ang sasakyan ko at mabilis na nakarating sa bahay.

Sinalubong ako ng mga kasambahay pagkapasok ko at kinuha ang mga gamit ko, binigay ko na lang dahil nakita ko si Mommy sa kitchen. She's drinking a tea on the island table and sitting on the high chair.

I need to talk to her about buying me a condo. Nakapag-isip na ako at gusto ko na talagang bumukod.

"I'm home!" I shouted to get her attention.

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon