Kabanata 25

107 4 0
                                    

Kabanata 25

"Hindi ka ba natatakot dito? Mag-isa ka lang." si Carliyah nang minsang dumalaw siya sa condo ko.

"Hindi naman. Wala naman sigurong multo dito."

"Paano pag meron?"

"Wala 'yan."

"What if nga. Paano pag naliligo ka biglang magclose yung ilaw. Pag kumakain ka, biglang mago-open ang faucet. Tas in the middle of the night, may maririnig kang weird sounds sa labas. Waah! Creepy-"

"Alam mo ikaw? Umuwi ka na nga lang!" sabi ko habang nakapameywang sa harap niya.

"Kat, nagpapaka-realistic lang ako. Siyempre, hindi mo talaga maiiwasan iyon, 'no? Paano na lang pag mag-isa ka dito hindi multo ang kakatok sa kwarto mo!"

"Eh ano naman? Magnanakaw? Secured 'tong place, gaga." natawa pa ako.

"Serial killer! What if serial killer? O 'di kaya... 'yong mga may galit sa Daddy mo! Hindi ba maraming nakakalaban iyon? Ang cool ng Daddy mo a, parang mafia." tumatango-tangong aniya pa.

Ngumiwi ako at napaisip sa sinabi niya.

Oo nga 'no? Tss, hindi naman siguro.

"Hoy! Sinong kaaway mo dito?" tanong ko dahil mukhang may pinapatamaan siya sa instagram story niya.

"'Yong classmate ko 'yan! Sinabihan kong  jejemon siya, sinumbong ako sa ate niya kaya ayun, hinahamon ako ng away."

"Deal, sabihin mo. Kapag 'yong ate ang humarap tawagin mo ako.." maangas na saad ko.

Umismid siya.

"Naging takaw gulo ka na mula no'ng naging boyfriend mo si Jimenez ah? Bad influence ba?" sarkastikong saad niya naman.

"Tss! Ayoko lang na may umaaway sa'yo."

Umarte naman siya na parang nata-touch at akmang yayakapin pa ako.

"Stop it, Carli!"

Tumawa siya.

"Oo nga pala, nakita ko sina Krishen no'ng isang araw sa Colgar. 'Di ka sumama? Ikaw lang ang wala ah?"

Nangapa ako ng sasabihin.

"Hindi na ako sumasama sa kanila."

"Huh? Bakit?"

Umupo ako sa tabi niya at kinuwento sa kaniya ang nangyari sa pagitan namin ni Ellie. Pati na rin ang sitwasyon namin ngayon ng mga kaibigan ko. Mula sa pag-iwas nila sa'kin, pagpaparinig, at paninisi hanggang sa ginagawa nila sa'kin ngayon.

"What the freaking hell? Nagawa nila sa'yo 'yon, Katana? Oh My God, you've got to be kidding me!"

Umiling ako.

"Totoo." ani ko at bigla niya akong niyakap.

"Sorry. Hindi ko alam na you're having a hard time right now. Hindi man lang kita masamahan at maipagtanggol katulad ng ginagawa mo sa'kin. Sorry, Katana."

Tinapik ko ang likod niya.

"Ano ka ba! Why are you saying that? Wala kang kasalanan. Choice nilang gawin sa akin 'yon."

"Kahit na! The fact na nandiyan ka sa sitwasyong iyan, nahihirapan. Naba-bother pa rin ako. Oo, nandiyan si Calyx para damayan ka- pero this is different. You still need someone to share your problems with. Hindi lang si Calyx."

I smiled.

Ibang-iba na talaga siya ngayon ah? Ang laki ng pinagbago. Months has passed after their break-up, masasabi mong ang dami dami niyang natutunan sa buhay. Mas naging matured na siyang mag-isip ngayon. Hindi katulad dati, super clumsy.

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon