Kabanata 13

126 4 0
                                    

Kabanata 13

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?"

Nagulat na naman ako sa biglang pagsulpot ni Audrey at Marza sa harap ko! Bakit ba ang hilig ng mga tao ang pasulpot-sulpot ngayon?

"Kumain na kayo?" I ignored Audrey's question.

"Ay, pa-fall?" Si Marza. Inirapan ko siya.

"Hindi pa nga. Kainis naman kasi ni Mrs. Arellano, pinaghatid ba naman kami ng drinks sa mga players." reklamo naman ni Audrey.

"Halata nga." Ngiwi ko.

"Mag-lunch na tayo. Gutom na gutom na ako." Maktol ni Marza.

"Ay, kayo na lang. Hinahanap na ako ng mga team mates ko."

Ngumiwi sila.

"Tatanong-tanong kung kumain na kami, tapos hindi mo naman kami sasamahan."

Iyon lang at nagpaalam na ako sa kanila. Pagkapasok ko sa room namin ay nagha-handa na sila. Naghanda na rin ako.

"San ka galing?" Ibinangga ni Abigail ang balakang niya sa balakang ko, nang-iintriga.

"Diyan lang."

"Sus! Mag-uusap na nga lang kayo, sa field pa. Anong pinag-usapan niyo ni Calyx?" She giggled.

Umismid lang ako at saka ngumuso.

"Intrimitida." Sabi ko sa kaniya at tumawa naman siya. Natawa na rin ako.

Nag-lunch na rin kami pagkatapos at saka dumiretso sa covered court nang mag 1:30 pm. Nasa entrance na kami ng makita ko si Kuya Caleb doon, naghihintay. May mga babae sa harap niya na kilig na kilig na pinagmamasdan siya pero ang kapatid ko, deadma.

"Kuya!" I approached him.

Nagliwanag naman ang mukha niya nang makita ako. Inilahad niya ang mga bisig niya, he's waiting for a hug. Nginiwian ko siya pero niyakap niya pa rin ako kaya inis ko siyang tiningnan.

"Aw. How sweet of them. I wish I was Katana."

"I wish I was his girl." I heard from the girls beside us. Nginisihan ko sila.

"Sa bahay ka umuwi mamaya."

Nilingon ko siya. I raised one of my brows.

"Did you miss me a lot?"

"Si Dad." ngiwi niya.

I pouted. Ano naman kaya ang ganap mamaya at pinapauwi nila ako?

"Bakit daw?"

"It's your house. Anong bakit?" Kumunot ang noo niya sa tanong ko.

I sighed.

"Manonood ka?" I asked.

"I don't want to. Pero mukhang kailangan eh." Makahulugang aniya. Pinagkunutan ko naman siya ng noo.

"Dapat lang na manood ka. I'm your sister for Pete's sake."

He chuckled then put his hands on my shoulders. Inakay niya ako papasok sa loob.

Mabilis na nagsimula ang laro at gaya ng basketball kanina, Bosco din ang kalaban namin. Hindi naging madali ang laban pero sa huli ay nanalo pa rin kami.

Nakita ko sina Tamara sa audience kanina pero nakakapagtakha lang at wala si Calyx? Tss. Ano naman.

"First and last year ko na 'to." Sabi ko kay Abigail.

Sumabay ako palabas sa kaniya dahil nagkaniya-kaniya na ang ibang mga kasama namin.

Bumuntong hininga siya.

Escaping the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon